9

427 19 10
                                    

•••

"Bea ang harot mo! Nakakahiya sa magulang mo!"

Reklamo ni Jia habang naka-back hug si Bea at pinapaulanan ng halik ang leeg. Dinala siya ni Bea sa kanilang bahay para ipakilala sa magulang, isang buwan matapos ni Jia ipakilala siya sa kanilang panilya.

Huminto si Bea at ngumisi, "Gusto ko lang halikan ang magiging asawa ko." Malambing niyang sambit tapos hinalikan si Jia sa pisngi. Natawa siya nang makita ang pamumula nung isa, "Sasagutin mo na ba ako?"

"Utot mo!" Pairap na usal ni Jia at humarap sa kanya. Muntik na siyang halikan ni Bea sa labi pero nakaiwas ito at lumanding sa aso ang kiss niya.

"Ay! Shet!" Nandidiring sigaw ni Bea nang mahalikan ang aso niya. Nilapit lalo ni Jia ang aso habang natatawa sa reaksyon nung isa nang madilaan na siya. "Hoy! Tama na! Kadiri, hindi ko pa napaliguan 'yan!

Sa 'di kalayuan, tuwang-tuwa ang magulang ni Bea habang pinapanood magkulitan ang dalawa. Si Loel naman ay umiiling lang sa pagiging makulit ng nakababatang kapatid.

 Si Loel naman ay umiiling lang sa pagiging makulit ng nakababatang kapatid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Grabe talaga sila sa akin, baby." Nagpa-pout pa si Bea habang hawak ang phone. Sinauli niya kay Jia ang phone tapos humiga sa lap niya. "Cute naman talaga ako. At hindi manloloko."

"Oo nga, cute ka na at hindi manloloko." Ngiting sambit ni Jia at hinaplos ang kanyang buhok. Hinalik-halikan ni Bea ang isang kamay nito. "Bea, ano ba nagustuhan mo sa akin?"

Huminto si Bea at napatingin kay Jia, bumangon ito sa pagkakahiga at hinawakan ang pisngi. Hinagkan niya ang kanyang labi pagkatapos ngumiti siya ng malumanay, "Kailangan ko pa ba sabihin kung ano?"

Hindi ito ang unang beses na magtanong si Jia tungkol dito. Sapagkat, mula pa magsimula si Bea manligaw ay parati niya 'yon tinatanong. Subalit, kung hindi ngiti o halik ay ganung tanong lang ang responde niya.

Ngumiti na lang din si Jia kahit bigo siyang makakuha ng sagot. Tinitigan niya ng mabuti ang mukha ni Bea, pinag-aralan ang hugis ng mukhang sumungkit ng kanyang loob at damdamin. Habang abala sa pagmasdan ay naramdaman niya muli ang labi nito, at mas dumiin ang paglapat.

Jia immediately felt Bea's hands inside her shirt, caressing her back. She gasped when Bea inserted her tongue in between their kisses. Jia cupped her face and pulled her closer, then separated and kissed her forehead before things start going the other way.

Bea brushed her hair backwards with a disappointed face and shook her head, "You stopped me again. Pangatlong beses na."

Jia sighed and held her cheek with one hand, "Bea, I'm not ready." Bea got up from bed and locked her bedroom door. Jia stood up and wrapped her arms around the waist, "Naintindihan mo naman, diba? Tsaka hindi pa tayo."

One Night, UnexpectedlyWhere stories live. Discover now