"Conyo," she chuckled. Ano?! Teka nga! Bwisit siya! Nakita ko siyang tumawa, naiiyak ako! Naiiyak ako sa kilig. Pucha!

Nababakla na yata ako.

"Say "Kain ka na" in kapampangan."

Hindi ko pa siya narinig magkapampangan kaya gusto ko siyang marinig. Malay mo naman ako ang unang makarinig, hindi ba? Jackpot na iyon para sa akin!

"Honestly, I'm not fluent in kapampangan."

Ngumuso ako. Banat na naging utot pa.

"Mangan na ka," she uttered.

Parang nabuhayan ang pagkatao ko nang magsalita siya. Marunong naman palang makipag-cooperate ang crushie ko!

"Uwa, mengan na ku nandin. Ika mangan na ka. Subwanan daka bisa ka?"

Kinilig ako sa sarili kong salita.

"What?" she creased her forehead. "I don't understand that. Sub... Subwanan?  What's that?"

Bumagsak ang mga balikat. Hindi nga pala siya gaanong nakakaintindi ng kapampangan.

"Pero mengan na ku nandin," she said.

Palagi kong tinatanong noon si Isha kung ano ba ang dapat kong gawin para mapansin niya ako nang tuluyan. Ang corny ng mga idea na sinasabi niya sa akin pero wala akong pake. Corny na kung corny.

"Bakit ba kasi lagi kang naka-hoodie kapag kasama ako?" she pouted. She's really a cutie but more of a gorgeous and matured woman. Natutuwa ako ngayon na nakita ko siyang ngumuso. Ngayon ko lamang yata iyan makikita kaya grabeng silay na ang ginawa ko.

Because I want her to feel the warmth whenever she's with me. Besides, Isha told me that boys who loves hoodies are attractive. Effective daw iyon sa mga babaeng characters sa mga novels, ewan ko lang kung may epekto iyon kay Icy.

Kakaiba siya, eh.

"Malamig ka kasi masyado," sagot ko na lang.

I like her so much. I badly want to express my feelings to her but I chose to tame myself. Alam kong hindi maganda ang magiging apekto ng pag-amin ko.

Naiisip ko, paano na lang kung ayaw niya sa akin? Obvious naman na kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Mawawalan siya ng tiwala kapag nalaman niyang I like her all this time. Aakalain niyang may hinahangad lang ako sa kaniya kaya ko siya kinaibigan.

I tamed my feelings, I kept it as a secret. Minsan halata ako masyado pero alam kong hindi naman niya pinapansin ang mga kilos ko dahil iniisip niyang nagbibiro lamang ako.

Being her best friend is enough. Napakaswerte ko dahil nagagawa kong malapit sa kaniya. Icy is an ambivert but really more of an introvert. Ayaw niyang nakikipag-usap sa ibang taong hindi naman niya close. Higit sa lahat, ayaw niyang nagkakaroon ng kaibigang lalaki, ayaw niyang mag-entertain ng mga lalaki sa paligid niya. Tanging ako, ako lang... Ako lang ang lalaking palagi niyang sinasamahan.

"Dito ka muna sa amin."

Nagulat ako nang marinig ko iyon. She wanted me stay there because she noticed that I'm not okay. Well, actually, okay lang naman talaga ako noon. Naiinis lang ako dahil sobrang bait niya at parang nakalimutan niyang niloko siya ng David na iyon.

At first, naisip kong, "Is she giving me mixed signals?"

Halos masapak ko ang sarili ko nang maisip ko iyon. I'm just really her bestfriend, that's why she cares for me.

"Mommy, let's have dinner sa labas."

"Why? Don't you want me to cook for our dinner."

"Hindi po," I replied. "Ofcourse, masarap ang luto ninyo." I winked at her. "Gusto ko lang makasamang kumain sa labas si Icy."

Her Stormy Seasons (Vitality Series #1) | ✓Where stories live. Discover now