21

51 6 9
                                    

The next afternoon, hinatid namin si Isha using Ziny's car. Siya na rin ang nag-drive. Siya lang naman ang marunong sa aming tatlo.

We decided to go to a mall first. Para kahit papaano ay makapag-bonding naman kami bago umalis si Isha. Hindi namin alam kung kailan ulit siya bibisita rito. Baka sa summer pa. Dalawang buwan pa ang hihintayin namin. Hindi rin naman kasi siya pwedeng magtagal.

"Girls.." I called them.

We're now eating on her favorite restaurant. Kanina ay pinagtatalunan pa nila kung saan kami kakain.

Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

"Demi and I.." I trailed off. I took a deap breath, thinking that I could drew strength from it.

"Oo, kayo na," nakangiting sabi ni Isha.

Ziny even clapped her hands. Nakipag-kamayan pa siya sa akin.

"Congrats!"

How did they know? Ngayon ko pa lang talaga balak sabihin sa kanila. Naunahan na ba ako ni Demi?

"Alam mo ba.." She chuckled. "Grabi 'yung kilig niya. Tumitili pa ang tanga."

"Oo, totoo 'yon," si Isha. "Kilig na kilig si Demi. Tapos sabi niya pa.." She shifted on the other side. "Nakuha ko na siya! Gagi! Ganito feeling ng ma-crushback. Hay! Walang humpay na saya!" panggagaya niya pa. Kuhang-kuha pati ng paraan ng pagsasalita at kilos ni Demi.

Hindi ko naman mapigil ang sarili kong matawa.

Somehow, I felt like everything's fine. No one's against us and I'm pretty sure, he knows how to handle this. I'll do my best to make it work.

Do my parents already know? Hindi na ako magtataka kung alam na nila. Close si Demi sa mga magulang ko, lalo na kay papa. Baka nga sa kaniya niya pa unang sinabi.

I was just listening to my favorite playlist 'till I dozed off to sleep. Music is my sleeping pills.

The next day, I woke up early and did the same route.

"Good morning!" he greeted.

Umupo ako sa frontseat. Inayos ko ang gamit ko at saka siya nilingon.

"Morning," I greeted back.

It's early in the morning and we have classes to attend. Ihahatid niya raw ako. Tuloy ay mas napa-aga ang gising niya ngayon.

I was holding my phone, checking my social media accounts. Madalang ko lang gawin ito. Sadyang naiinip lang talaga ako ngayon. Inaantok pa ako dahil hindi ako agad nakatulog kagabi. Inasikaso ko ang mga katerbang requirements na deadline na ngayon. Dumadagdag pa si Demi sa mga iniisip ko. But I can't deny the fact that I fell asleep still wearing the smile he gave me.

"Babe?"

"Hmm?" I replied, still focus on my phone.

"Sampalin mo nga ako."

Kanina pa malawak ang ngiti niya. Parang napakaganda naman ng gising niya.

"Why?" I asked. Why will I do that?

"Parang nahihilo kasi ako. I'm not feeling well." He pouted. He even placed his right hand on his forehead, checking his temperature.

"You're not feeling well then you want me to slap you?"

That's dumb. May sakit na nga sasaktan ko pa? Really? I can't do that.

Why didn't he tell me that he's sick? I should've let him rest instead of fetching me. What can I do now? Kung kailan malapit na kami sa school ay doon pa lang niya sinabi.

Her Stormy Seasons (Vitality Series #1) | ✓Where stories live. Discover now