26

45 4 0
                                    

"Demi," I called him.

We're now inside his car. Pinapalipas namin ang oras habang magkasama.

"Hmm?" he hummed.

He was holding my hand, caressing my ring finger.

"Why do you like me?" tanong ko pabalik. He asked me that earlier. Tinanong niya ako kung ano raw ba ang nagustuhan ko sa kaniya. Now I got curious. Ano ba ang nagustuhan niya sa akin? We're totally opposite. As I'm always saying, I'm cold, addicted to silence while him, he's talkative and out-going.

Palagi niyang tinatanong kung ano raw ba ang nagawa niya sa mundo para ibigay ako sa kaniya ng Diyos.

"Because I have your attention. Alam mo 'yon? Ayaw mong nakikipag-usap sa iba, pero sa akin sobrang comfy mo. Hmm.. Ano pa ba?" tanong niya sa kaniyang sarili. He looked up as if he could drew answers from there. "Matured ka, alam mo 'yung mga responsibilities mo at siyempre, maganda." Ngumiti pa siya sa akin.

Iyon ba ang gusto kong marinig?

Did he like me just because of my looks, attention and mindset?

Ang sabi niya ay gusto niya ako dahil matured ako at alam ko ang mga responsibilidad ko, pero paano kung bigla kong makalimutan iyon? What if I'll change? Lahat naman ay nagbabago, hindi ba? What if someday I'll act immature? Aayawan niya na ba ako?

He gave me specific answers. I don't know but.. I was not satisfied with his answers. Gusto niya lang talaga ako... Gusto lang.

I looked away and bit my lower lip. At least, he likes me, right? But, what about me? I'm already inlove with him.

Whatever, Icy. Feelings will grow, okay? I'll do everything to make him love me.

He check the time and started the engine. I was just watching him. How he maneuvered the stirring wheel, how his vein showed up everytime he turned the car to the right and when he pulled the gear shifter.

Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Bakit?" he looked amused.

I blinked twice. "What?" I asked back. I just looked away.

"Ba't pinapanood mo ako?" tanong niya, nasa daan pa rin ang kaniyang paningin.

"Sorry," saad ko.

Hinarap ko na lamang ang bintana. Binuksan ko iyon upang makalanghap ako ng sariwang hangin.

I almost jumped when I felt the warmth of his palm on my knee. I turned to him.

"Anong tinitignan mo naman diyan?" Bahagya niya akong nilingon. "Ako na lang ang tignan mo," he laughed.

"Baka magsawa ako sa 'yo," I joked.

Umayos ako ng upo at sa harapan na lamang tumingin. I wore my airpods. Isinandal ko ang ulo ko habang pinapakinggan ang mga paborito kong kanta.

Huminto ang sasakyan niya nang maabutan kami ng red lights.

"Parinig," he said. Kinuha niya ang isang airpods at nilagay iyon sa tenga niya. "Patayin mo 'yan," utos niya.

I turned to him and rolled my eyes. Bakit ko ba papatayin? I'm enjoying the whole playlist.

"May ipaparinig lang ako sa 'yo," saad niya.

Tinanggal ko ang airpods at humarap sa kaniya. He connected his phone on the car. He played 'You're still the one'  by Shania Twain.

Umandar ulit ang sasakyan, when the lights infront us turned green.

Her Stormy Seasons (Vitality Series #1) | ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu