I think, I felt my heart jumped a lil bit faster when I saw the familiar uniforms from the motorcycle riders passing by.

May hinahanap agad ang mga mata ko at wala akong pakialam sa mga napapatingin sa akin. Then my eyes met his. Nakasakay siya sa motorsiklo ng kasamahan niya. Sobrang laki ng ngiti niya sa akin at ginantihan ko rin siya ng isang malaking ngiti.

Kahit likod na lang niya ang nakikita ko ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko. I slightly slapped my face to calm myself down. This isn't me anymore... at nag-aalala ako para sa sarili.

Tumunog agad ang cellphone ko at tinakbo ko kaagad iyon pabalik sa sala. Bumalik sa labi ko ang ngiti ko nang makitang si Mike iyon.

Kakarating lang niya pero ito, nag text siya agad sa akin. I really appreciate these simple things than those exorbitant things I've received from my suitors in Manila.

Siguro dahil ay meron na ako lahat. I can afford to buy things. Not to mention, I always get what I want. Kapag gusto ko ang isang bagay, hindi ako titigil hanggat hindi ko iyon nakukuha o napapasaakin.

I was browsing facebook when I got received a notification.

'Shelly posted for the first time in awhile,' napataas ako ng kilay. Kagaya ko, paminsan-minsan lang din nagpo-post sa facebook. Either sa Twitter or IG lang ako. Cl-in-ick ko ang notification at namangha ako sa nakita ko.

Shelly's holding a bouquet of flowers. May manliligaw na ba siya? This is new. Hindi siya basta-basta nagpapaligaw. She's too focused on her studies.

I commented.

'Yay! Who's the lucky guy?' sabi ko sabay lagay ng emoji na may heart ang dalawang mata. She then replied.

'Secret na muna. Baka kasi temporary pa lang haha,' sagot niya sa comment ko.

Sabagay, kahit naman ako hindi ko sasabihin agad sa kahit sino at baka wala naman balak manatili sa buhay ko. Ayokong magaya sa mga taong kada may bagong lalaki sa buhay nila ay pino-post agad sa social media.

I don't like that 'post now, delete later' kind of thing. Kaya tama lang din na hindi ko sheni-share kahit kay Shelly ang tungkol kay Mike.

Days turned weeks and weeks turned into a month. Isang buwan na kaming magka text ni Mike at mas lalo ko siyang nakilala.

Taga rito lang pala siya, somewhere in Leyte. And what surprised me the most is his age. He's 30 years old. Ten years older than me. I was shocked by the time I figured it out, but nothing has changed. Kinikilig pa rin ako sa kanya kahit pa sa laki ng agwat ng edad namin.

At first, I was hesitant to continue this texting thing. Feeling ko kasi, sobrang layo ng edad namin. And I'm not dense not to get what he is doing. Alam kong may gusto siya sa akin. At kung magiging kami nga, okay lang ba iyon? Anong sasabihin ng mga tao?

Siguradong magugulat ang mga kaibigan ko kapag nalaman nila ang tungkol dito. Alam nila kung anong gusto ko sa mga lalaki, lalong lalo na sa edad. Oo nga't gusto kong mas matanda sa akin ang lalaki. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito kalaki ang layo ng edad namin. At hindi ko rin inaasahang okay lang ito sa akin.

And that's weird.

Parang binabanat ni Dr. Vicky Belo ang pisngi ko sa sobrang higpit nito. Feeling ko parang hinahatak ito sa sobrang kilig na nararamdaman ko dahil sa text niya. Gusto niya akong bisitihan, like for real!

Siyempre, nagulat ako kaya hindi na muna ako sumagot. Iniisip ko muna kung anong dapat kong isagot at kung paano ko ito sasabihin kay Tito Marky.

For sure, he won't just sit by it. Baka nga hindi iyon pumayag na bisitahin ako ni Mike! Pero, gusto ko siyang pabisitahin. Hindi ko pa naranasan iyon and that's a plus for me!

Akala ko, siya 'yong tipong lalaki na sa labas lang makikipagkita like the usual what boys actually do. I guess, I'm wrong. And I guess, I'm liking a man...not a boy.

Yes, I'm admitting it. Parang... gusto ko siya.

Pabalik-balik ako sa paglalakad dahil nag-iisip ako ng paraan kung paano ko ba sasabihin ito kay Tito Marky. So stupid of me to think of ways, e, wala namang ibang pwedeng gawin kundi ang diretsong sabihin ito sa kanya.

And here I go.

"Tito?" kuha ko sa atensyon niya habang busy kakalikot sa cellphone niya.

"Yes?" sagot niya sa akin ngunit hindi naman ako tinitingnan. Huminga ako ng malalim bago pa nagsalita.

"Someone wants to visit me," I said in my usual tone. Tito Marky immediately looked at me.

"What?! Sino?" bayolente niyang tanong.

"Si...Mike," sagot ko at ngumiti sa kanya. Kumunot naman agad ang noo niya.

"Police ba 'yan, Lana? Alam mo ba ang gina--"

"Yes Tito, I know what I'm doing. At hindi ko nakakalimutan ang paalala mo sa akin tungkol sa kanila. Pero bibisita lang naman, Tito. Hindi naman siya nanliligaw," putol ko sa kanya at mas lalong kumunot ang noo niya.

"Hindi pa ba iyan panliligaw? Ano 'yan, friendly visit?" sabi ni Tito sabay iling. "Are you guys even friends? No man would visit a girl in her house if he's not interested. So? What are you saying na hindi siya nanliligaw?" giit ni Tito at napanganga lang ako sa sinabi niya.

It didn't suprised me. Alam kong gusto niya 'ko, at kaya nga siguro niya ako bibisitahin dahil baka sasabihin na niya sa akin na gusto na niyang manligaw? Pero I don't want to assumed, yet. Maraming nasasaktan sa maling akala. Ang iba pa nga, namamatay.

"Cause, I'm not sure yet, Tito, if manliligaw nga siya. We're just textmates and... 'yon sinabi niyang gusto niyang bumisita. What's wrong with it anyway? Hindi ba mas mabuti kong nasa bahay kami kaysa nasa labas at hindi mo alam?" I reasoned.

Napatayo na si Tito Marky at napahawak sa beywang niya.

"Fine. Pero isang oras lang," sagot niya at umalis papunta sa kwarto niya.

Laking tuwa ko sa pagpayag ni Tito. I hurriedly replied to Mike.

Ako:

'Sure. Anong oras ka pupunta?'

After sending the message, I immediately went to my closet and took all the clothes I got. Inilagay ko iyon lahat sa kama upang makapili ng masusuot kahit hindi ko pa alam kung anong oras siya pupunta.

Wait... wala rin siyang sinabing ngayon siya bibisita sa akin! Napahawak ako sa noo ko at umiling.

What's happening to me?Bakit ganito na lang ako ka excited?

The Mistress Where stories live. Discover now