Napalingon naman ako kay Agustin nang hawakan niya ang magkabila kong mga pulsuhan saka tinanggal ang pagkatakip ko nito sa bibig niya. Tumingin siya sa akin—sa ayos naming dalawa saka siya ngumisi.

"Binibini, nababatid kong ikaw ay nasasabik na ako ay makita," pagsisimula niya. "At handa akong gawin kung ano ang nais mong ating gagawin, ngunit huwag muna ngayon sapagkat... nariyan pa ang iyong kapatid," aniya pa saka lumingon kay Kuya.

Bahagya naman akong napatigil at ipinapasok sa isip ang ibig sabihin niya.

Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaagad akong napasinghap ako at napatakip sa bibig ko.

Nakapatong ako kay Agustin! Nakaupo ako sa hita niya! 

Aaaaackk! AYOKO NA SA MUNDO!

Nakapatong ako kay Agustin. Nakaupo ako sa hita niya. Nakapatong ako kay Agustin. Nakaupo ako sa hita niya. Nakapatong ako kay Agustin.

Nakapatong ako kay Agustin. Nakapatong ako kay Agustin. Nakaupo ako sa hita niya. Nakaupo ako sa hita niya.

Iyon ang mga katagang paulit ulit na tumatatak at ibinubulong sa isipan ko. Ganoon na lamang nakipagkarera ng aking puso na hindi ko na mapigilan sa bilis.

Mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo habang nakatakip pa rin ang aking mga kamay sa sarili kong bibig, at halos mawalan na ako ng hininga.

NAKAKAHIYA!

"Paumanhin! Hindi ko sinasadya. Paumanhin talaga! Hindi ko talaga sinasadya!" natataranta ko ng paliwanag. Saka ako lumingon kay Kuya na nakatitig sa akin.

Bigla na naman uli niyang hinampas ang nakangising si Agustin, "Ikaw ha? Anong huwag ipakita sa akin? Makakatikim ka talaga, Agustino," babala ni Kuya.

Hindi pa rin nawala ang kaba ko at nag-init pa ang mga pisngi ko.

Nakakahiya talaga! Nakapatong ako sa kaniya! Hindi ko lubos akalaing magagawa ko ang bagay na iyon. Kaya naman, bago pa ako makagawa ng isa pang kamalian ay hindi na ako nagpaalam sa halip ay mabilis na tumakbo palabas ng azotea at pumunta sa kwarto.

Pagkarating ko sa loob ay kaagad akong tumalon sa kama at doon inilabas ang pagkairita sa sarili.

"Nakakahiya ka, Chestinell! Ano ba ang ginawa mo?" pagmamaktol ko at pinaghahampas ang higaan.

"Isipin mo nga, nakapatong ka sa kaniya. Nakaupo ka sa kaniya! Mabuti kung nasa hinaharap na kayo, pero hindi eh. Pero hindi pa rin iyon maganda kahit nasa hinaharaaaaap!" daing ko.

"Ayoko na talaga. Wala na akong mukhang maipapakita sa kaniya! Nasira na ang imahe koooo," pagtangis ko.

"Nasaan na ang Kristina na sinanay sa etiketa, ha? Ayoko na. Ayoko ng lumabas ditooooo," halos maiyak na ako sa kakaisip sa kalapastangang ginawa ko. Habang ang Agustino pa namang iyon ay mukhang tuwang-tuwa pa.

Napatili ako sa inis, "Nasa 1890 tayo, Chestinell. Bawal magdikit ang babae at lalaki! Sobra pa sa pagdikit ang ginawa mooooo! Nakakahiya ka talagaaaaaaaa!" nanggigigil ko sabi at piangsasasampal ang sarili.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now