HALF TRUTH

140 5 0
                                    

JISOO'S POV:



Years have passed.



Tama ka ng basa pero mali ka ng iniisip.



Para kaming nag time skip pagkatapos ng isang napakahabang gabi. Hindi ko lang malaman kung anong time zone; yung time ba na hindi pa kami magkakakilala o yung time na hindi na kami magkakakilala. Magkaiba pero pareho ng sakit.



Napakatahimik ng paligid. Walang Jennie na nagsusungit, Lisa na nangungulit at Chaeyoung na nagtatantrums.


Nasaan nga ba ako kagabi? Ayun, andoon lang naman ako sa tabi habang pinapanood ko kung paano magsabong ang tatlong taong sobrang mahal ko. Nakakalungkot panoorin kung paano sirain ang pagmamahal ng isa pang pagmamahal. Kung paano saktan ang isang tao para maisalba ang isa.



Kailangan bang laging mamimili?



Ano ba dapat? Yung tama ang ginagawa mo pero hindi ka masaya o yung masaya ka sa pinili mo kahit alam mong hindi tama.




"Masarap ba?" biglang sulpot ng isang boses galing sa likod ko.



Muntik ko ng paliparin sa ere ang manok na kanina ko pa kagat-kagat.




"May balak ka bang patayin ako?" lingon ko sa kanya. Saka niya inukupa ang upuang malapit sa kanya.




That messy chipmunk on her pajamas na nakataas pa ang mga paa sa silya.



"Tinatanong ko lang naman kung masarap 'yang kinakain mo?"



"Gusto mo?" saka ko inabot sa kanya ang manok na kagat-kagat ko. "Kaso isa na lang to e."



"Anong lasa?" tanong niya ulit. Ang lamlam ng mga mata nya. Halata ang magkahalong pagod at puyat sa mukha nito.



"Masarap medyo maasim lang ,gawa lang siguro nung sauce."



"Ayaw." saka sya ngumiti ng pilit. Pinatong nya ang baba niya sa kanyang mga tuhod at parang batang nakatingin sa akin.


Pero tama ba ang dinig ko? Ayaw nya? Himala ng maituturing kapag tumanggi sa pagkain si Chaeyoung. Pero siguro nga wala syang gana dahil na din sa sama ng pakiramdam nya. May sakit lang talaga sya.


"Seryoso ka ayaw mo?" inulit ko pa.


"Oo, thank you na lang," ngumiti ulit ito.


"Bakit naman?" tanong ko ulit.


"Eh nung isang araw pa yan sa ref e. Sabi ni Lisa panis na daw kaya hindi ko na kinain." walang emosyong sagot nito.


PWE!!


Kusa na ngang bumaliktad ang sikmura ko sa mga sinabi nya.



"Bakit nyo pa binalik sa ref?!" tanong ko ulit sa kanya pagkatapos kung iluwa ang mga kinain ko.



Ganda ng araw diba? Ang saya ng monologue ko tapos biglang panis na pala yung kinakain ko.


Tumawa ito ng bahagya. Pero saglit lang. Sa ilang segundong yun naramdaman kong hindi talaga sya okay.


"Chu? Where have you been last night?" ayan na naman yung mga English na tanong.


"Dito sa loob? I was fixing your bed kasi nga hindi ka okay diba?"


"Nope, after that. When Jennie hit Lisa. Where were you?"




I was there.


JenLisa : Escaping UsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum