Tell Me More

183 6 0
                                    

Next day.

JENNIE'S POV:

7:30. Maaga pa ba o wala na akong kasama dito sa bahay? Nilingon ko ang kama ni Chu. Wala na sila ni Chaeyoung.

Nakakapanibago ang tahimik nang paligid. Kinuha ko yung phone na nakacharge sa paanan ng kama.

22 Messages. 15 Missed Calls. 1 Name. Kai.

Tsss. Hindi naman ako nainform na may mga clingy na lalaki din pala.

Ini'scroll ko pa para ma'check kung may iba pang message maliban sakanya.

<i love you>
<i miss you>
<see you soon>

Pare'pareho lang ang laman nang messages nya. Andami naman ata nyang oras.

Then I saw Lisa's name.

<Kiss me later.>

Kinabahan ako. Nabigla ang puso ko. Bati na kami?

Tss. Too bad dated 3days ago.

Namimiss ko na sya. I badly miss that devil.

Inayos ko muna ang sarili ko saka ako nagpasya na hanapin na yung tatlo.

Antahimik talaga.

Pagpasok ko nang kusina andoon sila,kumakain. Walang nag'uusap. Tunog lang nang kubyertos ang naririnig ko.

"Oh, . Jennie-unnie! Finally " bulalas ni Chaeyoung nang makita ako.

I took the seat next to Chu. In front of Lisa. Hindi pa rin talaga nya ako pinapansin.

"Unnie, tell me what happened to this devil last night? " sabay turo ni Chaeng nang kutsara kay Lisa.

*ddum dum ddum dum

Wala naman masyado. Umamin lang naman sya saakin. Kung pwede ko lang sanang sabihin.

"I told you I was with you the whole night! Bakit ba ang kulit mo?"

"No you're not, I woke up beside Jisoo'nnie. You weren't there. How come mag'isa ka lang sa kwarto ah? May ginawa ka naman noh?"

Tahimik lang si Lisa.

"Don't tell me you tried to kiss Jennie-unnie--"

"--It was you." kalmadong sagot nya.

"What?! "

"I tried to kiss you last night! Masaya ka na?" bigla itong kumilos palapit kay Chaeyoung.

"Stop it Lisa! " ambilis ni Chu. Napigil nya agad ang pagmumukha ni Lisa.

Alam na alam na namin ang next move ni Lisa.

Kapag napipikon na sya o kaya naman ay naiinis na, automatic na nyang aambahan nang halik si Chaeyoung.

Umayos ulit ito nang upo.

"Oh, right I remember! You attacked me last night, you devil!" dinuro ulit nito nang kutsara si Lisa.

Umaliwalas ang mukha ni Lisa. Kahit papano napagtanto nyang si Chaeng talaga ang kausap nya kagabi.

Nagkatitigan kami ni Chu. Pinapakiramdaman ko sya kung babanggitin nya ba kay Lisa ang totoo.

"May lakad tayo mamaya. " sabi ni Chu. Change topic.

"Saan?"

"GDA. Nakalimutan nyo na ba?"

JenLisa : Escaping UsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin