✰ Chapitre Onze: In the Café

26 5 4
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Take a little sip
Of your hot black coffee
Then spit it out
Because youʼre going to see something.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Onze:
IN THE CAFÉ

Wesley

Napagpasiyahan muna naming dalawa ni Frankie na tumambay sa isang café bago ulit kami bumiyahe. Halos nasa tapat rin ʼyon ng funfair na pinuntahan namin kanina.

"Hello, maʼam and sir! Welcome to Judehlaveli Café! A newly-opened café!" sambit ng isang babae na nasa cashier. Hanggang balikat ang wavy at brunette niyang buhok na nakasayad sa balikat niya. Mayroon ding peach hairclips na nakakabit sa buhok niya. "I am Lizzie, by the way. Whatʼs your order?"

Napatingin ako sa menu board na halos nasa itaas lang ng ulo naming dalawa ni Frankie na kung nasaan kami nakatayo ngayon. Damn, ang daming pagkain na pagpipilian...

"Frankie, anoʼng gusto mong kainin?" pagtatanong ko kay Frankie habang nakatingin pa rin ako sa menu board.

"Ikaw." Bigla akong napatingin kay Frankie dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko siya gamit ng mga mata kong lumaki nang bahagya. Nakaramdam rin ako ng konting init sa dalawa kong pisngi.

Bigla naman bumungisngis si Frankie.

"Hindi naman mabiro ʼto." Mahina niyang pinalo ang kanang braso ko. "Dark chocolate-flavored cake, please. With chocolate frappe, too."

Ilang segundo akong nakatulala kay Frankie. Alam kong malawak ang ngiti niya kahit na nakasuot pa siya ng face mask ngayon.

"Papaano niya nagagawang magbiro nang ganʼon?!" pagtatanong ko sa isipan ko habang nakatitig pa rin kay Frankie. Well, she already knew about my ex-girlfriend but—argh! Ugh, hindi ako naiinis sa pang-aasar niya sa akin ah. Ang nasa sa akin lang, papaano nga niya nagagawang magbiro nang ganʼon?

Sinabi ko na kay Lizzie, ang babaeng employee ng café na nasa cashier, ang mga in-order naming pagkain ni Frankie. Habang ginagawa ʼyon, medyo napatigil ako dahil may dumating na isang babae na sa tingin ko ay employee rin dito sa café. Nakasuot rin kasi siya ng ng white t-shirt na may logo ng café nila dito at light brown skirt. Mayroon din siyang suot na black cap sa ulo.

Napansin ko ring hingal na hingal at pawis na pawis ang babae. Para bang hinabol siya ng kung anong halimaw sa labas. Kita ko naman sa mukha ni Lizzie and pagkayamot dahil nakanuot ang noo niya habang nakatingin sa babae na nakasuot ng cap at halos kasing tangkad lang din niya.

"Buti pumasok ka pa, Averill," yamot na sambit ni Lizz sa babaeng kausap niyang si Averill. "Anoʼng oras na? Isang oras ka nang late."

"Sorry naman, Liz. Ikaw ba naman ang habulin ng mga barumbadong lalaki sa kabilang kanto?" sabi naman ni Averill habang hinihingal pa at pinupunasan ang pawis niya sa noo.

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Where stories live. Discover now