✰ Chapitre Un: Lost in Time, Lost in Space

265 21 26
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Lost in time, lost in space
With my car in a far-off place
Driving it fast with no headlights
While I'm saying her name, into the night.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapter Un:
LOST IN TIME AND SPACE

April 8, 2020.

—Wesley Vernon


Sinubukan ko namang mamuhay nang normal. Pero ayaw talaga ng tadhana na maging normal ang buhay ko.

Seven years ago, both of my parents died. Then five years ago, my ex-girlfriend became a missing person and was never ever seen again.

Lahat ng mga minamahal ko ay bigla na lang kinuha sa akin. Ang amaʼt ina ko, siya, at ang napakagandang buhay na mayroon ako noon. Kinuha na lang sila basta-basta, at hindi na binalik sa akin.

Dahil sa mga nangyaring ʼyon, naisipan ko na lang muna na umalis. Magpakalayo-layo. Sa loob ng limang taon, naging tahanan ko ang kalsada at ang white '78 Lincoln Continental Mark V, lumang kotse ng ama ko, ang naging kwarto ko naman. Sa mga taong iyon, kung saan-saang lugar ako nakarating. Strange and unknown places kumbaga. Umalis ako hindi lang para makalimutan na lahat ng masasamang nangyari sa akin, kundi para hanapan na rin ang sarili ko.

I am lost. In space and time. Ni hindi ko nga alam kung saan ako patungo sa pagbiyahe ko na ito. Pero kahit na ganʼon, sinusundan ko pa rin ang walang-katapusang kalsada gamit ang lumang kotse ng ama ko. Para bang bahala na lang kung saan ako mapunta dahil wala na rin namang kabuluhan ʼtong buhay ko simula noong nagkandaletse-letse na ang lahat sa akin.

Bago ako pumunta sa lugar na totoong pupuntahan ko ngayon, naisipan ko na munang dumaan sandali sa lugar na kinalakihan ko—ang Birchtree. Ayoko nang balikan pa ang lugar na iyon, pero no-choice ako dahil madadaan ko ang lugar na ʼyon bago ako makarating sa pinakadestinasyon ko.

Dahil nasa Birchtree na rin ako, dumalaw na rin ako sa bahay ng bestfriend kong si Orlando.

"Wesley? Uy, long time no see, pare! Tara, pasok ka!" Napakalaki ang ngiti ni Orlando nang pagkabukas niya ng pinto ay ako ang bumungad sa kanya. Agad naman akong pumasok sa loob.

Pinaupo niya ako sa sofa at inalukan ng maiinom. Umiling naman ako dahil hindi naman ako nauuhaw.

"Grabe, Wesley... After five years, ganyan ka na? Tapos, ang dami na ring nagbago saʼyo! Nagmukha kang siga, katulad ng mga World Enders!"

"Ikaw rin naman nagbago, Lando. Nagmukha kang... mature."

Tumaas ang kaliwang kilay niya sa sinabi ko.

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon