✰ Chapitre Huit: Louisa Green

57 7 25
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

She came into my life
While her eyes were shining
Her name was Louisa
And I wanted to be with her, forever.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Huit:
LOUISA GREEN

—Wesley


Noong namatay ang mga magulang ko limang taon na ang nakararaan, kalahati sa katauhan ko ang gumuho. Pero noong dumating naman siya sa buhay ko, unti-unting nabuo iyon.

Ang buong pangalan niya ay Louisa Jeannine Green. Kung buhay pa siya ngayon, mga nasa 23 years old na rin siya katulad ko. Isa rin siyang singer at entertainer sa Muttering Trees Entertainment—kung saan rin ako nagtatrabaho dati bilang isang entertainer, singer, at radio DJ.

Nakilala ko siya halos anim na buwan pagkatapos namatay ang mga magulang ko. Hindi na ako nag-aaral nʼon at madalas ay nasa labas ako. Karaniwang pinupuntahan ko nang mga panahon na 'yan ay ang kagubatan na nakapaligid sa Birchtree.

Una ko naman siyang nakita sa TV. Nasa bahay lang ako noon, nanonood sa channel na Muttering Trees nang bigla siyang lumabas sa TV screen. Nakasuot siya ng itim at may mahabang manggas na dress at ang hairstyle niya ay petite victory rolls.

Hindi ko siya narinig na kumanta doon dahil may lalaking nagsasalita sa background. Sa una ay hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang sinasabi ng lalaki, pero nang may lumabas na poster ad habang nagsasalita pa siya ay bigla akong napalapit sa TV.

Are you an aspiring singer? Well, we are looking for you! With or without experience in singing competitions, you can audition here at Muttering Trees Entertainment!


Ewan ko ba kung ano ang nagtulak sa akin na sumali sa audition na ʼyon. Siguro dahil na rin sa dating singer ang ina ko. Iʼm not sure but I guess itʼs because it runs into our bloodlines? Well, I love to sketch and sing, pero hindi pa talaga ako sigurado sa kung propesyon ang kukunin ko in the future.

Naalala ko rin ang unang pag-uusap naming dalawa. Nasa labas na ako ng building ng Muttering Trees Entertainment para mag-audition nang makita ko siya sa may entrance na nakatayo. Nakasuot siya ng puting turtleneck at kulay orange na squarepants. Bombshell naman ang style ng brown na buhok niya at may iba't iba ring mga accessories siyang suot na puro kulay orange.

Siya ang unang kumausap sa akin.

"Are you going to have an audition too?" pagtatanong niya sa akin gamit ang mala-anghel niyang boses.

Napatingin ako sa mukha niya. Singkit nang kaunti ang mga mata niya at bahagyang matangos ang ilong. Mayroon din siyang light makeup sa mukha. May red lipstick, orange eyeshadow, at light blush on. May nakaukit pang malaking ngiti sa mga labi niya habang kumikinang naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Where stories live. Discover now