✰ Chapitre Trois: Never-ending Questions

114 15 16
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Are you dead?
Are you alive?
Or just a conjured lie,
A figment on my mind?

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Trois:
NEVER-ENDING QUESTIONS

—Wesley

Nagpapasalamat ako dahil nailigtas ko siya. Ang babaeng nahulog mula sa black hole pabagsak sa dagat.

Nandidito pa rin kami sa tabing-dagat. Nawala na ang black hole na kung saan lumabas ang babaeng iniligtas ko kanina. Nakaupo rin ako nang tahimik sa tabi ng katawan niya. Kalahating oras na kasi siyang walang malay at napagpasyahan kong bantayan na lang muna siya hanggang sa magising siya.

Hinayaan ko na rin muna siyang nakahiga sa buhangin, hindi sa mabigat siya at hindi ko siya kayang buhatin papasok sa lumang kotse ng ama ko. Iyon ay kundi dahil sa isang boses na bigla na lang bumulong sa isipan ko.

"Siya ʼyan... ang minamahal mo..."

Patuloy sa pagbulong ang mga boses hanggang sa lumakas nang lumakas iyon.

"Siya ʼyan, ang minamahal mo... Ang minamahal mo na nawala, limang taon na ang nakararaan..."

Dahil doon ay bigla kong tinakpan ang dalawang kong tenga. Paulit-ulit na sinasabi nang mahina sa sarili ko na hindi siya ʼyon dahil napaka-imposible. This girl that I helped earlier and my ex-girlfriend are way too different from each other. Light brown ang buhok ng ex-girlfriend ko, hindi katulad sa babaeng nailigtas ko na kulay itim, katulad ng mga mata niya ngayon. Masyado ring payat ang babaeng ito, well, dahil ʼyon sa putanginang Vide Noir na ʼyon.

Pero bigla ko rin naisip. Baka siya nga ʼyon.

P-Pero impossible talaga! Aaargh—

"U-ugh... Na-Nasaan ako?" Bigla akong napahinto sa pagwawala nang marinig kong magsalita ang babae. At halos nawala na ako sa huwisyo dahil kahit halos limang taon ko nang hindi naririnig ay tandang-tanda ko pa rin ang boses niya. Ang boses niya na kapareho sa boses ng babaeng ito na iniligtas ko kani-kanina lang.

Nanatili lang siyang nakahiga sa buhangin. Hindi rin masyadong nakadilat ang mga mata niya. Siguro ramdam pa rin niya ang panghihina sa buong katawan niya.

Nanatili lang din akong nakatingin sa mukha niya na hanggang ngayon ay may malaki at halos naaagnas nang sugat sa kaliwang pisngi niya. Ngunit nang mapatingin siya sa akin ay agad naman akong umiwas nang tingin.

Hindi ko kayang tumitig sa kanya habang nakatitig rin siya sa akin. Para akong nakatingin sa ex-girlfriend ko na bigla na lang nawala five years ago. Para akong nananaginip. Para bang siya ang babaeng ito na kasama ko ngayon.

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu