Chapter 49

141 5 0
                                    

When I came out of the bathroom, Adriel's gaze immediately hovered over me. I wore an oversize pink t-shirt and paired it with pink pajamas as well.

"Nakita ko lang 'to sa closet. Pakisabi sa may-ari, hiramin ko muna..." bakas ang pait sa aking tono.

"Hmm'kay..." hindi ko na napigilang umirap dahil sa sagot niya.

May may-ari nga!

"Tss, matutulog na'ko. H'wag mong subukan na tumabi sa akin!" banta ko at saka tumihaya sa kama.

Silence...

Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Oo at sinabi kong matutulog na ako ngunit hindi ako makatulog! I feel homesick...

I miss my babies.

Ang tumatamang liwanag ng buwan lang sa bintana ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto ngunit sapat na iyon para makita ko kung paano bumalikwas si Adriel ng bangon.

Inayos nito ang unan sa may armrest ng sofa at saka muling nahiga ngunit wala pang isang minuto ay tumayo na naman siya, hindi mapakali.

Sofa ka pang nalalaman, halata naman na hindi ka kasya!

I sighed and get up from the bed. Lumipat ang tingin nito sa akin.

"Dito kana...diyan na lamang ako," kinuha ko ang isang kumot at unan at saka ako naglakad patungo sa sofa.

"No, go back to bed and sleep. I'll just sleep here..." bumalik muli ito sa pagkakahiga kahit na hindi niya maipagkasya ang sarili.

"Tabi na nga..." malumanay kong ani at bahagya siyang hinila.

"No..." he said stubbornly.

"Ano ba. Sige na habang may pasensya pa ako sayo!" tumayo ito at akala ko ay tutungo na siya sa kama ngunit tinitigan lang ako nito. 

"What?"

"Go to bed, Donna..."

"Ako na nga sabi---"

"Then we'll sleep together in the bed!" hinila ako bigla nito at saka ibinagsak sa kama.

Tumabi ito sa akin at siya na mismo ang naglagay ng unan sa aming pagitan...

"Bakit mo nilagay iyan diyan?" sita ko bago niya ako talikuran.

"Isn't that what you want?" napakurap-kurap ako.

"O-oh, okay..." Damn!

I hope he didn't noticed the disappointed in my voice!

"Sleep now, we'll talk tomorrow morning..."

"H'wag mo akong utusan!" ani ko saka nahiga.

Pinikit ko ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog pero...

"Ugh..." I groaned when I realized that I really can't sleep!

Tumihaya ako dahilan para umuga ang kama. Sinulyapan ko si Adriel na nakatalikod sa akin.

Is he asleep? That fast?

Malaya kong pinagmasdan ang matipunong likod nito. Then I suddenly remembered his built years ago...before he broke up with me.

He lose weight. He became so thin and he's...bald, too.

I wonder what happened to him? Bakit sa ilang linggo naming hindi nagkita ay gano'n na agad ang ibinawas ng  timbang niya?

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang humarap sa banda ko and worst, he's freaking awake!

Ipinikit ko ang mga mata kahit nakita na niyang gising ako.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now