Chapter 4

339 11 9
                                    

Sabay kaming lumingon sa tumawag sa kaniya. Tss. Kung may pinakamalas na tao siguro ako 'yon.

"Aga-aga may nilalandi ka agad." 'di ko alam pangalan nito basta gwapong singkit.

"I'm not flirting with her, dude." nanlaki ang mata nung singkit sabay takip pa sa kaniyang bunganga. "Woah, did I heard him right? Kailangan ko na ata maglinis ng tainga nabibingi na ako." sabi pa nito sabay kalikot sa kaniyang kaliwang tainga. Kadiri naman 'to.

I ignored them then turned my head to face Zyren.

"Una na'ko. Maglilibot." mahinang ani ako sa kaniya.

"Samahan na kita." umiling ako bago sinenyas ang barkada niya. Nakakahiya naman baka isipin nila hinaharot ko 'tong tropapits nila.

"Why are you whispering to each other? " nagulat ako ng sumingit yung singkit sa gitna naming dalawa. Hanggang ngayon kasi nakatayo pa rin sila sa harap namin. Magkasama na din yung kambal na parehong nakatitig sa akin. Well, lahat naman sila nakatingin sa akin. Ganda ko lang.

Tumayo na ako pero ayaw talaga paawat ni Zyren dahil tumayo din siya.

"Tara na." aya niya pa.

As the students passed by us ay hindi ko maiwasang mailang. Paano ba naman akala ko si Zyren lang kasama ko pero sumunod din sila.

"What's your name, beautiful?"  tanong nung singkit. "Donna"

"Ah, babe, this are my friends. Adriel, Perse, Thor and Aiden. " isa-isa niyang tinuro ang mga lalaki.

"Per-se???" ang weird naman.

They chuckled except the twins. Perse rolled his eyes then looked directly to me.

"What's with my name?" nakangising tanong niya. Hindi naman siya katulad ng kambal niyang may aura talaga ng coldness kasi medyo carefree tignan 'tong si Perse kaysa kay Adriel.

"Ang weird kasi pakinggan."

"Yeah, that's my nickname and Persephone is my real name and  that means destruction." paliwanag niya bago ako akbayan. I shoved away his arm away from my shoulder. FC din 'to.

"Ako din yung Donnatella may meaning 'e. Hindi ko lang maalala pero sinabi sa akin 'yun ni Mama---"

"Gift of God." putol ni Adriel sa aking sasabihin.

"Oo! Iyan nga! "

"Alam mo para kang barbie." natutuwang ani ni Perse. Hinawakan niya pa ang mukha ko saka pinisil ang ang aking pisngi.

"Bakla ka din?"

"Tinawag ka lang na barbie, bakla na agad? Tsaka ano masama sa pagiging gay,ha?" hindi naman siya mukhang offended. Buti na lang. Tss, bakit ba hindi ko mapigilan ang bunganga ko.

"Wala ah! Gusto ko kasi ng bff na gay! OA ka!" natawa siya pati na rin yung ibang kasama namin. Syempre, maliban kay Adriel. Tss.

"Bakit nila kasama yung transferee?"

"Duh. Maybe she use her beauty to get their attention,'no! What a slut."

"Yeah. Like, I'm more beautiful than her naman ah! Wala ba silang taste? Ew."

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang bulungan ng mga babae sa paligid namin. Wala bang magawa itong mga 'to? Tapos hindi man lang nahiya. Ano akala nila sa akin dito? Aparato? Aba, naririnig ko sila!

"Don't mind them." utas ni Zyren.

"Hindi ko naman sila papatulan." 'di ko ibababa ang sarili ko para sa kanila.

"Hmm, I can say that your kind." Aiden suddenly said.

"Nagsasalita pala 'to? " biro ko. Ngumiti naman siya sa akin.

"Tsaka hindi ako mabait ah. Maldita nga ako sabi ng mga kapatid ko."

"Sa maldita pasok na pasok ka!" Thor laughed.

"Mas mabuti ng maldita at least hindi ako kagaya ng mga spoiled brats dito sa school nyo! Akala mo kung makaasta hindi mga tumatae!" I blurted.

"Ang bagra naman ng bibig mo!" hindi ko sinagot si Perse at bumaling na lamang kay Zyren para bumulong. " Feeling ko talaga beki 'tong si Perse. "

"He's just like that. But I'm definitely sure that he's not a gay." natatawang sabi niya.

"Sayang." nakakapanghinayang  naman talaga. Sa amin kasi sa Laguna may kaibigan ako 'dun na binabae. Siya lagi yung kasama ko sa amin kasi galit din yung mga babae doon sa akin.

I sighed.

"Gusto ko na umuwi." malungkot na bulong ko sa hangin.

"Bakit? Maganda naman dito ah? " narinig pala ni Zyren. Ewan ko sa iba kasi busy sila sa kakakaway sa mga babaeng bumabati sa kanila.

"Ayoko ko dito. Wala akong kasama tapos dito pa magdo-dorm 'e hindi nga ako sanay na walang kasama sa kwarto. "

"May kasama ka naman sa kwarto mo! Sa girls dormitory dalawang babae kada kwarto. And pwede naman umuwi every weekends. So, no need to worry about." nakangiting paliwanag niya.

"Hindi ko pa nga nakikita yung magiging kwarto ko 'e. Alam mo ba na biglaan lang itong pagpasok ko dito? Pero sabi naman ng registrar nasa kwarto ko na daw yung mga gamit ko. Ewan ko paano. Madali lang naman siguro hanapin yung room number ko."

"Wait, biglaan?"sa lahat yata ng sinabi ko iyon lang ang naintindihan niya. Tumango na lang ako saka bumuntong- hininga.






Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now