Chapter 45

153 7 2
                                    

Kinaumagahan ay sama-sama na kami nagikot. Kahit si Perse ay nakigulo sa amin kaya hindi na naman magkamayaw ang mga kasamahan ko kakalandi sa kaniya.

"I don't know why these girls are so obsessed with Persephone," I said. Tumango si Elena at Brionny.

"But let's be honest, guys. He's good-looking. Hindi niyo lang talaga maamin dahil kaibigan natin," Brionny scanned him from head to toe.

"Ew, ano kayang magiging reaction nila kapag nalaman nila ang mga kalokohan ng ultimate crush nila," natawa sila sa akin at saktong paglingon naman sa amin ni Perse. Nakita niyang nakatingin kami sa kaniya kaya lumapit ito sa amin.

"Ano na naman? Pinagchi-chikahan niyo na naman ako?"nakasimangot na anito.

"Pinagchi-chikahan! Para ka talagang bakla! Straight ka ba talaga? Baka nahihiya ka lang umamin?" I teased but he just snorted.

"Hindi ako bakla. May bakla bang nakikipagsex sa babae---"

"Stop!" we said in unison. He chuckled with our reaction. Inukupa nito ang bakanteng upuan sa aking tabi saka kami pinagmasdan.

"Tss, I was just kidding! Ang conservative niyo naman..."

"It's so damn awkward kaya! And you're a man, too!" Brionny rolled her eyes.

"I don't care about what you guys talking about since I don't have any experience but...I'm still a woman and I'm getting... curious about that, so, please don't push my button..." napatanga kami sa mga pinagsasabi ni Elena.

"Y-you're what?" I said, dumbfounded.

"See? She need to know some nasty things! Kawawa naman at baka tumandang dalaga," pang-aasar ni Perse rito pero hindi sumagot si Elena.

"Bitter ka lang, eh. Baka ikaw ang tumandang binata! Iyong mahal mo, may mahal na iba!" napa- "oh" ang bibig namin ni Brionny ng biglang bumanat si Elena.

"Wow, ha? Eh, ikaw? Walang nagmamahal sayo!" nanlaki ang mata ko.

Now, this is interesting...

"Ah, ganon? At least ako may rason bakit walang nagmamahal sa akin, eh, yung sayo? Bigla ka na lang iniwan ng walang dahilan!"

Natawa ako sa kanila dahilan ng paglingon nito sa akin.

"Hayaan mo na iyan, Elena. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya matanggap na wala na yung jowa niya," hindi umimik si Perse at tinalikuran na lamang kami.

"Hey, don't be harsh on Perse! Mamaya magpakamatay 'yan," pagpaparinig pa ni Brionny sa papalayong bulto ni Perse pero hindi na ito lumingon pa.

"Gago, baka napikon 'yon..." I said but they only chuckled.

Susundan ko sana si Perse pero pinigilan nila ako. Anila'y nagda-drama lang ito.

"Gagi, wait nga lang diyan lang kayo..." hindi na nila ako napigilan pa ng dali-dali akong tumayo at sinundan ang daan na tinahak ni Perse kanina.

I know that even if he laugh and joke around, he's still hurting.

He had no one with him during the times when he and his girlfriend broke up. He did not give us the opportunity to sympathize with him and I feel like I'm a bad friend because he was always by our side whenever we had a problem.

Nang makita ko si Perse na tulala habang naglalakad ay inakbayan ko ito kahit pa malaki ang agwat ng height namin. Para tuloy siyang kinakapitan ng tarsier.

Syempre, magandang tarsier!

"Aray ko naman," mahinahong reklamo niya.

"First time mo huminahon, ah?" tudyo ko pero buntong-hininga lang ang isinagot niya.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now