Prologue

5.9K 170 15
                                    

"Taeyeon please come back to me. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo at iniwan mo ako." Kausap ni Baekhyun ang kanyang girlfriend for 3 years

"Im sorry Baekhyun but I need to fulfill my dream to become a successful artist. Alam mo naman na dream ko yun diba?"

"Oo alam ko naman yun Pero kasi bakit kailangan mong makipaghiwalay sa akin?"

"Baekhyun I need to focus. At para makafocus ako kailangan alisin ko yung mga possible na distraction ko."

"So sinaasabi mo na distraction ako sa buhay mo?"

"OO Baek, distraction ka sa buhay ko. Im sorry Baekhyun but were over."

"Taeyeon waittt hello...hello....."

Dahil sa sakit na nararamdaman ni Baekhyun uminom siya ng uminom hanggang sa malasing siya ng todo. Nasa isang resort siya somewhere in Batangas at nasa tabing dagat at umiinom. Iyak siya ng iyak dahil ang babaing pinakamamahal niya ay iniwan siya.

"NAPAKA UNFAIR MO KIM TAEYEON" at unti unti lumusong sa dagat.

"Daddy tignan niyo po yung lalaki doon mukhang nalulunod."

"Saan anak?"

"Ayun po oh?" tinuro ni Haru ang kinaroroonan ni Baekhyun, Siya ang 5 year old na anak ni Chanyeol

"Ay oo nga. Halika anak tulungan natin." Dali daling tumakbo ang mag ama sa kinaroroonan ni Baekhyun at sinagip ito ni Chanyeol. Buhat buhat niya ito hanggang sa may pangpang. Inilapag niya ito sa may buhanginan at siniCPR ito ni Chanyeol. at ilang minuto lang at naibuga ni Baekhyun yung nainom niyang tubig dagat.

"ok ka lang?" tanong ni Chanyeol

"Bakit mo ako binuhay. Napaka pakielamero mo. Dapat hinayaan niyo na lang ako mamatay. Tutal wala naman na kwenta na ang buhay ko."

"Welcome ah... ikaw na nga itong niligatas ikaw pa ang galit dyan."

"Masyado ka kasing pakielamero eh."

Tatayo na sana si Baekhyun ng matumba ulit siya at nawalan ng malay. Binuhat ito ni Chanyeol papuntang bahay nila at inilapag sa sofa. Inaapoy siya ng lagnat.

"Haru anak kumuha ka nga ng bimpo at malamig na tubig para mailagay natin sa noo nitong lalaking ito."

"Opo daddy."

Kumuha si Chanyeol ng Towel at damit niya para ipasuot sa lalaking iniligtas niya.

"kasya naman siguro ito maliit lang naman siya.Mukha siyang babae pag pinagmasdan."

"daddy ito na po yung bimpo at malamig na tubig."

"Salamat anak. Sige na matulog ka na. may pasok ka pa."

"opo daddy good night" hinalikan niya sa pisngi ang kanyang ama.

Inialis ni Chanyeol ang basing damit ni Baekhyun except sa boxer nito. Para na din sa privacy kahit na same silang lalaki. After niyang bihisan ito ay binuhat niya ito papunta sa kwarto niya.

"Sigurado ka bang lalaki ka bakit ang gaan gaan mo."

Ingat na ingat si Chanyeol na ilapag sa kama si Baekhyun at inayos ito. After niyang tiganan yung temperature ni Baekhyun ay nag tungo na siya sa kwarto ni Haru. Doon na lang siya matutulog dahil may bisita siya ngayong gabi.

______________________________________________________________

@Hahuyeah i hope you like it. dahil sa iyo nainspire akong gawin yung ChanBaek fanfic na ito...

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon