Chapter 18

8.2K 124 2
                                    

This is my 4th day here and I'm finally free to leave the hospital. May discharged signal na from my doctor. Kahapon umuwi na sila mom, halos magmakaawa pa ko sa kanya para lang umuwi na sila. Ayaw kasi talaga niya iwanan ako. Pero need na ni Dad bumalik kasi marami siyang workloads na naiwan. Nagbilin lang si Dad sakin to be careful at kung I see some suspicious person ay agad ipaalam sa kanya or kay Pio. He's starting to trust Pio, I feel it.

So kahapon kahit labag sa loob ni Mom na umuwi at iwanan ako ay wala siyang nagawa. Inassure ko naman siya na magiging okay ako, and Pio will be here with me.

Alam kong maging si Pio ay wala pang pahinga since dumating siya nung Wednesday early morning. Hindi niya ako iniiwanan ng matagal. Siya lahat nag aasikaso sakin. Kung di lang siguro kailangan ni Pia ng visit sa vet hindi siya aalis sa tabi ko. Duon muna niya iniwan si Pia since wala kaming dalawa sa apartment.

Nakakagalaw naman na ako mag isa. Medyo kumikirot pa kaya limited lang ang nagagawa ko. Nagpaalam sakin si Pio na bababa lang siya para ayusin ang bill.

Nag aayos ako ng gamit sa travel bag ko ng may kumatok at bumukas ang pinto ng kwarto.

Sumilip siya sa loob at nung nakita niya ako ay nag wave siya sabay pumasok sa loob ng kwarto.

"Hi," bati niya sakin.

Hindi ko ineexpect na pupuntahan niya ulit ako. I thought I will never see her again, pero I gave her the friendship that she wants from me kaya siguro dapat na ko masanay na makikita ko siya often.

"Oh...Hi. Wh-what are you doing here?" nagtatakang tanong ko.

"Visiting? Bawal ba? I heard kasi na ma discharge ka today." sagot niya. Lumapit siya sa harap ko.

"Ahh.. yeah. Who told you?" I asked wondering kung saan niya nasasagap ang tungkol sakin.

Hindi siya agad nakasagot at parang nag isip muna ng isasagot sa naging tanong ko.

"F-from...Tita, your mom? She told me. Binigay ko kasi yung number ko sa kanya. Remember she wanted to invite me sa house niyo? So kinontact nya ko." paliwanag niya.

Tumango tango ako, trying to remove the doubts in my mind.

"So.... where is he?" tanong nya sabay upo sa sofa chair.

Nakita niya siguro ang pagkunot sa noo ko tanda ng di ko magets ang biglang pag change nya ng subject.

"I mean..'the boyfriend'?"

"Ah...he's downstairs. Inaayos lang nya yung bill. He'll be here soon." sagot ko then I focus on folding my clothes. I'm not really comfortable pa when she's around. Kaya as much as possible I don't make eye contact with her.

"Did---Did he know about me?"

Napataas ang ulo ko ng marinig ko ang tanong nya. What did she mean? Tinatanong ba nya kung alam ni Pio kung anong past ang meron kami?

Medyo nagpantig ang tenga ko sa narinig ko sa kanya. Ano bang gusto niyang malaman?

"Sophia.. look. Alam ni Pio ang past ko and he accepted me. We're happy, very happy actually and I don--" she cut me even before I finish my statement.

"W-wait. Vianna, I mean..did he know na ako yung nagdala sayo here sa hospital? That I'm the one, who saved your life?" medyo may sarcastic na tone sa boses niya.

Is that what she really meant?

Nag init ang mukha ko dahil nakaramdam ako ng hiya. I over reacted sa simple question niya na na-misundertood ko.

"Ah..S-sorry...Yes..he knows." sagot ko and looked away trying to hide my blushing face.

Nakita ko siyang tumayo at naglakad papunta kung nasaan ako. She then hold my chin up para tumingin sa kanya. I'm sitting on the bed that's why she's towering me. She made me looked up to her. Hindi ko napigilan mag eye contact sa kanya.

The third party (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon