Chapter 16

9K 152 3
                                    

"Uhm...Sophia" tawag ko sa kanya. Ito yung unang beses na tinawag ko siya sa pangalan niya. Nakaupo siya sa chair beside the table habang nagbabalat ng apple. Nagpadeliver sya ng fruits dito sa ospital.

It's 6pm already, di niya ako iniwanan. Nagising lang ako. As much as I want to stay awake, yung Medication ko ata ang nagpapatulog sakin. Kaya most of the time I'm asleep kaya nung magising ako at nakita kong nandito pa din siya sa kwarto ay medyo nagulat ako.

"You can go home. My parents are on their way naman na." saad ko sa kanya. Pinatawagan ko sa nurse ang parents ko kanina. May pumasok kasing nurse to check my vitals and to give medicine sa dextrose ko. Nag CR naman si Sophia that time kaya sa nurse na lang ako nanghingi ng favor to contact my parents. Their travelling time would be two hours. Sobrang nag alala sila Mom nung time na nakausap ko sila. And I know na nagmamadali na sila para makapunta dito to see me.

Nakita ko ang pagbabago sa reaksyon ng mukha niya. Parang na disappoint siya sa narinig niya pero agad niyang pinatungan ng ngiti.

"Hintayin ko na lang na dumating. I just want to be sure na magiging okay ka. You're my patient for today right?" saad niya.

Actually it kinda trouble me to be with her. To think na nag a-act siya na parang matagal na kaming magkaibigan when in fact I don't know her at all. We had past, yes. But we were not friends.

But now she wants us to be friends, and I gave in kasi nga I owe her my life. I'm not quite sure about my decision of giving her the permission to enter my life as a friend. It sound like a bad omen to me since she's a secret I kept from Pio.

Omygod! Pio!

"What? Why? Masakit ba yung sugat mo?"

Napatingin ako sa kanya. Di naman ako nagsasalita. Naisip ko lang si Pio, he will be calling me. At alam kong nag aalala na yun sakin dahil hindi ako kumokontak sa kanya.

"H-huh? N-no..Why?"

Bahagya siyang napangiti, "I'm looking at you. And then all of a sudden nagbago yung facial expression mo. I thought sumasakit yung sugat mo."

"Ah..N-no.. Ok lang ako. Yung gamot nila for pain na binigay mukhang effective naman. Uhm.. Can--can I ask you a favor?" napakagat ako sa labi, having second thought na humingi ng favor sa kanya.

"Sure! Anything!" sagot niya ng nakangiti.

"Can I borrow your phone? I need to call my boyfriend."

Napa istop sya sa paghihiwa ng apples. I waited for her to answer or even give me her phone. Her smiling face vanished and replaced by a very gloomy look. She's not looking at me. Parang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko. Ilang segundo pa bago niya kinuha yung phone sa bag nya.

"What's his number I'll call him." tanong nya.

I hesitated to give her the number of Pio. I don't know! I just don't feel like it's safe to give her the number of my boyfriend. Is this crazy? Masyado lang siguro akong paranoid dahil sa mga naranasan ko nitong mga nakaraang araw.

Plan ko kasi ako na lang sana ang tatawag and then I'll erase it in the dial log after. Pero nanghihiram lang naman ako so I don't have any rights over her phone, so I gave her his number.

She dialed it and put it in loudspeaker.

Sa unang dial ay busy ang number ni Pio. I wonder if he's contacting me, his line would sure be busy. Siguro kanina pa niya ko kinocontact. I imagine Pio's worried face. I remember one time, sobrang pagod ko siguro I sleep like a dead person, 10 hours straight tapos di ko naririnig na nakailang tawag at texts na sya sakin. Kaya dumiretso na siya sa apartment at duon lang ako nagising. I saw him very worried halos di mo maipinta yung reaksyon ng mukha niya at niyakap niya ko ng mahigpit nung makita niya ako. He's so sweet and caring na mag aalala na siya sakin pag wala siyang narinig from me.

The third party (R-18)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora