Umupo ako sa dating inupuan ko... at nanilip ulit. I don't know what am I doing, but, I'm bored alright?

Naghahanap ang mga mata ko ng gwapo... pero wala talaga. Hindi naman sila sobrang panget. Hindi ko lang talaga bet. Pero hindi ako tumigil sa paninilip, hanggang sa nakita ko ang dalawang lalaki. Ang isa ay maputi at gwapo siya... kaso pandak. Siguro magkasing tangkad lang kami.

Nadako naman ang mata ko sa kausap niya. Mas matangkad ito sa kanya, gwapo rin... pero moreno. Hindi naman sa ayoko sa moreno. Pero hindi ko rin bet.

Huminga ako ng malalim habang pinapanuod sila sa ginagawa nila. Narinig kong tinawag ng isa pang police 'yong lalaking maputing pandak na 'Bernal'. Pangalan niya kaya 'yon o apelyedo? Tinawag na naman ng parehong police ang matangkad na moreno na 'Andi'.

Hmm... Bernal and Andi.

Iyon lang ang ginawa ko hanggang sa nakitang naglalakad na pabalik ang lalaking nanghiram ng walis. Agad na akong tumayo upang hindi na siya mag-ingay pa.

Paglabas ko pa lang ng terrace ay nadako na sa akin ang mga mata ng mga kasamahan niya. Of course, they're teasing him to me. Akala naman talaga magugustuhan ko 'tong nanghiram ng walis? No thanks.

I faked a smile, again. Siyempre.

"Heto na 'yong walis ma'am. Salamat,"  nakangiting sabi niya. Wala na akong sinabi pa at pumasok na agad. I got annoyed of those eyes watching us teasingly!

Hindi na ako nanilip pa at nag focus na sa panunuod hanggang sa dumating na si Tito Marky.

"Where have you been, Tito? Alam mo bang nanghiram ng walis ang police dito?" parang bata akong nagsbong at nagtataka ako kung bakit ko pa ito sinasabi kay Tito.

"Pinahiram mo ba?" tanong niya at tumango naman ako.

"O, anong problema do'n?" ano nga ba?

Nagpakurap-kurap ako at nangapa ng isasagot. Nang makita ni Tito na nakaawang ang labi ko pero wala akong maisagot, napatawa siya.

"Hayaan mo na nga yan sila, Lana. Bawat kibot na lang sinasabi mo sa akin. Have some privacy, okay?" aniya.

Privacy? Hindi ko kailangan 'yon! Bakit , mas maganda naman 'yong sine-share ang mga nangyayari 'di ba?

"Nevermind. Kumain na tayo. I bought letchong manok," saad niya at nagtungo na sa kusina.

"You bought, what? May ano naman tayo ah..." sabay tingin ko sa kusina kung nasaan ang oven, pero wala. "walang oven?" gustong-gusto ko kasi ang baked chicken in rosemary and asparagus.

Umiling si Tito at ngumisi habang hinahanda ang pagkain namin. Tanging stove lang ang meron, ni walang bread toaster! Ngayon ko lang napansin na ang daming kulang sa kusina, at kung gaano ito ka simple.

Habang kumakain kami ay napatingin sa akin si Tito at kumunot ang noo ko.

"What?" I mouthed.

"Bili ka ng coke... 'yong malaki para hindi ka na bumalik sa susunod," sabi niya na para bang alam na niya ang sasabihin ko. Pero sinabi ko pa rin.

"Na naman? Nag grocery tayo pero hindi ka kumuha ng coke!" iritado kong sabi pero kinuha ko na lang ang pera sa kamay niya at padabog na lumabas para makabili ng coke.

Bakit kasi hindi na lang bumili ng coke vendo machine!

Nasa terrace pa lang ako ay natanaw kong nasa kapilya na naman ang mga police at ang iba papunta na kung nasaan ang boarding house nila.

May tatlong police na napatingin sa akin at nagbubulungan. Alam kong ako ang pinag-uusapan. I rolled my eyes and just walked.

Bago ko pa man sila malampasan ay nagsalita ang police na nasa gitna. Here comes my fake smile.

"Ma'am pwede makahingi ng number?" muntik pa akong maubo dahil sa sinasabi niya. Really?! Manghihingi siya ng number ko? Not to mention, mukhang kasing edad na niya ang Daddy ko.

Hindi ko tiningnan ang dalawang kasama niya at sa lalaking iyon lang ang titig ko. To my surprise, binigay ko na lang ang number ko dahil nakatingin na din sa akin ang ibang police.

Napangiwi ako habang naiisip na binigay ko nga sa matandang 'yon ang number ko! Well, I could just change my number. Sabi ko sa isip ko nang may nag text habang nagbo-browse ako sa internet.

Unknown Number:

Hi ma'am. Tulog ka na?

Ito na nga. Dahil wala akong magawa ay nagtipa ako ng reply.

Ako:

Hindi pa, bakit?

Hindi pa lumilipas ang ilang segundo ay nag-reply siya ulit.

Unknown Number:

Pwede ka bang maimbitahan dito sa Dominicus? Nag-iinuman kami.

What the hell? The audacity of this guy to invite me immediately? Ni hindi pa nga siya nagpapakilala! Hindi naman din ako interesado sa kanya kaya kahit 'wag na.

Magtitipa na sana ako ng reply nang may pumasok na text galing sa ibang number.

Unknown Number 2 :

Hi ma'am. Kinuha ko number mo sa kasamahan ko. Hehe

Namilog ang mga mata ko. Pinagpasa-pasahan na ba nila ang cellphone number ko?! I should really change my number tomorrow, immediately.

Ako:

Sino ka?

Unknown Number 2:

Mike.

Hmmm. Maganda ang pangalan. Kaya nag reply ako.

Ako:

Paano mo naman nakuha ang number ko?

Unknown Number 2 :

Nag dahilan akong makiki-text lang sa kasamahan kong nanghingi sayo ng number kanina. Pero ang totoo, kinuha ko ang number mo. Ayaw kasing ibigay.

I literally bit my lip after reading it. Interesting! So ando'n siya noong manghingi ng number 'yong lalaki kanina?

Hindi ko napansin. Sana naman hindi ito kagaya ng lalaki kanina na mukhang Daddy at professor na masungit ang awrahan.

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon