EPILOGUE 2.0

37.8K 1.5K 455
                                    

UNTI-UNTI kong idinilat ang mga mata ko at nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin.

"Good morning, Nanay!" dinig kong wika ng isang tinig at napalingon ako roon.

"Good morning, Liran!"

"Nanay, gutom na po ako. Hindi ka pa po ba tatayo riyan?" tanong niya at hindi ko maiwasan ang mapangiti nang bahagya.

"Opo na po. Ito na po at tatayo na po para po maipaghanda ka po ng pagkain, kamahalang Liran."

Humagikgik si Liran na animo ay kinikiliti.

"Thank you, Nanay! Si Livan po nasa harap pa rin po ng painting niya. Shall I call him na po ba? Gutom na rin po 'yon, Nanay. Hindi lang po maawat sa painting," masayang wika ni Liran at pumapalakpak at lumulundag pa.

"Liran anak, huwag ka nga gaanong nagtatatalon, hindi ka na tumataba dahil sa kalikutan mo. Kahit na anong ipakain ko sa 'yo hindi ka man lang nagkakalaman kahit na kaunti. Hindi mo ba kapid 'yong vitamins na iniinom mo?"

Nakita kong bahagyang ngumuso si Liran bago nagsalita. "Nanay, what is kapid po ba?" kunot-noong tanong niya.

"Kapid, ahmm . . . kapid is . . . Ewan ko! Basta kapid! Bibili na lang ako ng bago para hindi na ako nahihirapan nang ganito."

"Kapid po is well-suited in english, Nanay," anang isang tinig at nalingunan ko si Livan na kapapasok lang ng silid. Mayroon pa siyang iilang pahid ng pintura sa mukha at mga kamay.

"Ay! Well-suited ba? Mabuti na lang, anak ko, kahit na para kang sindikato madalas sa asta mo, matalino ka. Kasi kung hindi, baka ipinaampon na kita sa tito Ayce mo. Kaugali mo 'yon, e."

Lumakad papalapit si Livan at naupo sa kama. "Nanay, are we really going back to the Philippines next week?" tanong niya at hinawi pa niya ang buhok niya.

"Yes, anak ko. Kailangan na natin bumalik. Hindi puwedeng habangbuhay ko kayong ilayo sa mga Freezell. Hindi ko na maaaring sabihin na ginagawa ko ito para ilayo kayo sa kapalaran na iyon, dahil kahit na ano pa ang gawin ko, alam kong paulit-ulit kayong hahabulin ng mga bagay na nakatadhana para sa inyo. Freezell kasi ang bwakanang inang Tatay n'yo, kahit na bali-baliktarain ko pa ang mundo, Freezell pa rin ang dugong nananalaytay sa inyo. Kung alam ko nga lang na magiging rollercoaster ang buhay ko sa Tatay n'yo, naghanap na lang talaga ako ng ibang magiging asawa."

"No, Nanay! I don't like other Tatay! Tapos po hindi naman pogi, so it means hindi rin kami magiging pogi ni Livan. I don't like it. I like my looks. I'm handsome. Most of my classmates want to be my girlfriend. Lagi ko nga po sinasabi na baby boy mo pa ako, Nanay, kaya bawal pa akong mag-girlfriend but they kept insisting," pagyayabang ni Liran at muli ay napangiti ako.

Ibang klase talaga ang anak kong ito. Ang laki na ng ipinagbago niya maging si Livan. Noon ay tila kaya ko pa silang pasanin nang sabay, ngayon ay tila maka-crack na yata ang likod ko kapag sinubukan ko silang buhatin.

Si Liran, mas naging madaldal at lalong naging guwapo kaya't hindi nakakataka ang ibinibida niya na pinag-aagawan siya ng mga babae. Si Livan naman, tila ay mas lalong sumeryoso. Pakiramdam ko ay lahat ng mga lalabas sa mga labi niya ay pawang katotohanan lamang at mga may kabuluhang bagay. Parang hindi rin siya magagawang biruin. Masasabi ko nga talaga na tila siya ang tito Ayce niya.

"Naka-ayos na ba ang mga gamit n'yo pauwi sa Pilipinas? Sinasabi ko sa inyo wala akong pera na ipambibili ng mga bago n'yong damit doon kaya tangayin n'yo lahat ng mga damit na matatangay n'yo pauwi."

"Are we staying ther for good?" tanong ni Livan saka tumingala sa kisame. "I like the education here, Nanay. They are advance po," dagdag pa niya.

"Anak, gusto ko man din na rito ka na lang pag-aralin, pero hindi na kakayanin ng bulsa ko. Sila Ninang Veron n'yo rin, uuwi na rin ng Pilipinas. Mahihirapan ka rito kung gugustuhin mo na dito na lang mag-aral."

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant