Twenty-one

21.8K 1K 276
                                    

SYREEN

NABIBINGI yata ako. Hindi ko maproseso ang narinig ko mula sa kaniya. Parang tinatarantado yata ako ng hayop na 'to na pinuno ng mga kabugok-bugokang nilalang sa balat ng lupa.

"Anong. . . Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. 'Tang ina, kapag tini-trip ako nito, pasasabugin ko ang mukha nito!

Nanginginig ako. Siguro ay dahil sa galit at dahil na rin sa hindi ako makapaniwala. Samang-sama ang loob ko! Bwakanang ina! Magugulat ka na lang talaga, hello surprises. Pakingshet!

"You heard me loud and clear, Syreen. Hindi ka totoong kasal sa akin. Hindi ko kahit na kailan nirehistro ang kasal natin—" Sinampal ko siya! 'Tang ina deserve niya 'yon! Kahit nga paulanan ko siya ng bala ngayon, deserve niya pa rin, e!

Ikinuyom ko ang kamao ko dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tuluyan ko na talaga siyang mapatay.

"Nakaplano lahat 'to? Balak mo talaga akong  tarantaduhin nanng ganito? Bakit? 'Tang ina hindi ko mahanap iyang hayop na rason mo! Ilang taon akong naniwala na may asawa akong tao, tapos ngayon sasabihin mo never mong nirehistro ang kasal natin? 'Tang ina, Leik! May sira ka ba sa ulo, ha? Ano bang problema mo sa akin?" puno ng galit na bulalas ko. Nagbabadya na rin ang mga luha ko.

Nakakapanghina na malaman ang ganito. Para akong pinaikot-ikot lang sa walang hamggang daan tapos biglang bubulagain na ito na pala. . . finish line na.

"B–Bilat, umalis na tayo. U–Umalis na muna tayo—"

"And you two have a child? That was just too fucking awesome, Syreen. You just had a miscarriage with my baby. How could you be such a hoe?" aniya at parang nagpanting ang tainga ko sa narinig ko sa kaniya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at ngumiti ako nang mapait sa kaniya. "Hoe? Sino ba sa ating dalawa ang bumalik para manggamit at makuha ang mana? Sino ba sa ating dalawa ang walang kosensyang mapagpaasa? 'Tang ina pala talaga, e! Pinaniwala mo 'ko! Pinagpaparausan mo 'ko, iyon pala wala ka namang karapatan sa akin? Bakit hindi ka pa ba mamamatay?"

Hindi siya sumagot sa akin, bagkus ay naglakad siya patungo sa malaking bintana at nagmasid doon na para bang may malalim siyang iniisip pero wala akong balak alamin ang bagay na iyon. Gusto ko na lang makalaya. Gusto ko na lang tuluyan nang mawala sa buhay niya.

Hinatak ko si Veron para tuluyan na kaming lumabas ng opisina ngunit bigla na lamang siyang nagsalita na ikinahinto namin.

"You are hiding something from me, Syreen. I could fucking feel it," aniya sa akin. Nilamon ako ng kaba ngunit hindi ako puwedeng magpatalo. Hindi niya puwedeng malaman ang tungkol sa mga anak ko. Mamamatay na muna ako bago niya sila magamit sa mga kagustuhan niya.

"Ano pang dapat kong itago sa 'yo? Bulatlat na bulatlat ang buhay ko sa 'yo kaya nga nagagawa mo akong tarantaduhin nang ganito, 'di ba? Kung meron may itinatago rito, Leik, ikaw iyon at wala nang iba. Huwag mo 'kong tanungin kung anong alam ko dahil sasabihin ko na sa 'yo ngayon. . . na wala. Wala akong alam bukod sa nakikita kong paa ng babae na nakatago sa likod ng bookshelf mo. Alam mo kung anong trabaho ko noon, Leik. Palagay mo ba talaga ay maloloko mo 'ko?" sagot ko sa kaniya at nakita kong nabigla si Veron sa narinig niya.

Pagpasok pa lang namin ay alam ko nang may babaeng nakatago sa likod ng lalagyanan ng mga libro. Hindi ako ang pinakamagaling na secret agent, pero hindi ako nahuhuhuli. Kaya ako napasama sa mga elite.

"B–Bilat? T–Totoo ba 'yong sinasabi mo? M–May naka-chop-chop na paa na nandito?" bulong ni Veron sa akin at halatang nanginginig pa siya. Bwakanang ina! Mali ang intindi niya sa sinabi ko. Pakingshet ka, Veron!

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now