Twelve

26.4K 886 109
                                    

SYREEN

NAGISING ako na masakit ang katawan ko. Aba'y syempre naman at sasakit. THREE YEARS AKONG TIGANG, TUYOT, AT INUGAT, kaya ngayong nabayo ako, pakiramdam ko, nagsigana bigla lahat ng kasu-kasuhan ko.

Baka nga rin ang pagkawala ko ng dilig ang dahilan kung bakit lagi akong aburido kay Dean Maui Mina.

"Aruy. . . aruy. . . aruy. . . !" Pakingshet, may ungol ako after sex. Ang sakit ng balakang ko. Daig ko pa ang binayo ng limang beses, samantalang nakatatlo lang naman kami.

Luminga-linga ako sa paligid at kahit dulo ng kuko ni Leik, wala. Bigla ang bundol ng kaba sa akin.

Bwakanang ina, ganitong-ganito three years ago. Kapag naman talaga naulit 'yon? Pati itlog niya may latay, pakingshet!

Nag-ayos lang muna ako ng sarili ko. Hindi ko mahanap ang maleta ko kaya't kumuha na lang ako ng white long sleeves niya at iyon ang isinuot ko. Hot pa! Mahirap naman na bumaba at makita niyang mukha akong lantutay na gulay samantalang kakadilig niya lang sa akin. Mamaya magpa-chek up pa ang isang iyon, at isipin na may tama ang tamo—semilya niya! Semilya is the term. Huwag tayong bastos. Don't touch me, I'm an angel.

Bumaba ako at nasa pang-apat na akong baitang ng hagdan mula sa ibaba nang mapansin kong may dalawang bulto ng tao ang magkatabi sa sofa.

Kung kanina ay binundol lang ako ng kaba, ngayon ay tila nagkakarerahan na ang mga kabayo sa dibdib ko dahil sa kakaibang takot.

Ganitong-ganito ang nangyari noon. . . ayaw na ayaw ko nang maulit pa iyon.

Dahan-dahan ang naging pagbaba ko at ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla akong lingonin ng bultong babae.

"Z–Zylin," utal na untag ko. 'Tang ina, deja vu ba 'to?

Nilingon ako ng katabi niya na kahit na hindi ako harapin ay alam ko naman na si Leik. Wala pa man din siyang pang-itaas.

"Syreen—"

"BWAKANANG INA MO! HUWAG MO 'KONG BABANATAN NA LUMAYAS AKO DAHIL NANDIYAN NA ANG GIRLFRIEND MO, KASI TALAGANG BABASAGIN KO 'YANG ITLOG MO! HUWAG MO 'KONG HAMUNIN!" putol ko sa kaniya. Pakingshet na mga luha ko, gusto pa yatang magtraydor ng mga punyawa!

Tumayo siya at akmang lalapit sa akin pero binataan ko siya mg suntok na halatang ikinagulat niya. NAKA-TOPLESS PA ANG HINAYUPAK NA BUGOK! TALAGANG GUSTO NIYANG IPAGDULDULAN SA AKIN NA KAY ZYLIN PA RIN SIYA UUWI? BWAKANANG INA NILA. PAGBUHOLIN KO PA SILA!

"Kung binabalak mong ulitin ang nangyari noon? Itigil mo na. Noon tumakbo ako paalis, ngayon, kayang-kaya kong pasabugin pati lahat ng laman-loob n'yo!" galit na galit na wika ko sa kaniya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya, na ako mismo ay nagtaka. "ANO!?"

"Darling, I will never leave you and you will never leave me," aniya at para akong nabuhusan ng malamig na tubig. "Hindi ka lalayas at mas lalong hindi kita pinalalayas. This house is yours. You have all the rights," dagdag pa niya na lalong nakapagpaloka sa pagkatao ko.

ANONG GANAP!? BAKIT WALA AKONG ALAM?

"Anong ginagawa ng flat na 'yan dito? Huwag mong sabihin na pinagmamalakihan ka niya ng suso niyang puro silicon dahil sasampalin ko 'yan! Wala siyang suso, 'wag siyang ambisyosa!" pikon na usal ko at nakita ko kung paano namula ang mukha ni Zylin.

"Darling, your mouth!" pigil sa akin ni Leik kaya't nilisikan ko siya ng mga mata.

"My mouth? Ito, sinamba mo kagabi. . . nang paulit. . . ulit. . . ulit!" mapang-asar na wika ko. "Huwag mo 'kong mapigil-pigilan na walanghiyain 'yang babaeng pa-victim na 'yan—"

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now