Eight

27.9K 1K 161
                                    

Early note: LEIK ANDREY'S NAME IS PRONOUNCED AS "LEYK ANDREY". LEIK AS IN LAKE NA LAWA. TAAL LAKE, LAWA NG TAAL. OKAY TAYO PO RO'N? TIGILAN N'YO PO ANG KAKATAWAG SA KANIYA NG LIEK O LICK! HINDI 'DILAAN' ANG BIDA KO. HAHAHAHA.

--
  

SYREEN

TINAPUNAN ko siya ng isang tingin na hindi makapaniwala. "Gago ka ba?"

"I'm telling you the whole truth," aniya sa akin at parang gusto ko na lang biglang sungalngalin ang bunganga niya sa mga pinagsasasabi niya.

"Anong tingin mo sa akin? Bagsakan mo ng libog? Paanakang baboy? Inahin? Lintek kang lawa ka! Ang laki-laki ng topak mo sa ulo, pakingshet ka!" gigil na wika ko saka ko sana siya lalagpasan ngunit mabilis niyang hinigit ang braso ko.

"Our marriage will never get annulled, Syreen. Sa akin at sa akin ka pa rin kahit na anong mangyari," pigil niya sa akin.

Nasa punto na ako ng buhay ko na gusto ko siyang biglaang harapin ang sabakan sa mukha hanggang sa hindi na siya makapagsalita pa ng nga bagay na napakalakas ng epekto sa akin.

"Ganoon ba? E 'di huwag. Ayaw mo? Then tell your mistress to stay out of my sight. Baka magdilim ang paningin ko, ma-salvage ko kayo," banta ko nang hindi siya nililingon saka ko marahas na binawi ang braso ko sa kaniya at lumabas ng rest room.

Nagngingitngit ako na tumungo sa mismong studio nila kung saan naroon na ang ibang artista at modelo. Maraming abala sa pagre-retouch at ang iba naman ay sa pamimili ng damit na susuotin, pero may isang nangingibabaw sa kanila. . . si Zylin na tanga habang pilit na naglalagay yata ng silicon sa suso niyang malaki pa ang kamao ng bagong panganak na sanggol.

Walang pumapansin sa kaniya. Mukhang sanay na ang mga artista at modelo na 'to na makitang ginagawa niya ang kabobohan na 'to. Literal na lang akong napapailing. Gago talaga ni Leik, walang taste!

"Hi! Are you an artist too?" Napalingon ako sa nagsalita at muntik akong atakihin sa puso nang makita ko ang isang babaeng pagka-kapal-kapal ng salamit at kamukha ni Betty La Fea noong hindi pa name-make over! Sabog ang kulot niyang buhok, nakalabas ang ngipin na medyo may itim-itim at puro pimples. Susmaryosep! Gusto ko siyang dalhin agad sa salon! Ang suot pa naman din niya ay parang mga damit nina Maria, Leonora, Teresa.

"No. PA lang ako," sagot ko sa kaniya nang makabawi na ako sa gulat at ngumiti ako sa kaniya.

"Ang ganda mo naman po para maging PA lang. Gusto mo pong mag-artista?" nakangiti niyang sagot sa akin. Kahit medyo mukha siyang mangkukulam, naaaliw ako sa kaniya. Seryoso!

Mukha namang mas bata siya sa akin kaya nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok niyang magulo na nga. "Hindi naman lahat tayong maganda kailangan mag-artista. Iyong beauty kasi natin, dapat tinatago kasi siguradong pagkakaguluhan ng iba," turan ko saka ko pa siya kinindata na ikinahagikgik niya.

"Alam n'yo po, bagay na bagay po kayo n'ong main artist sa photoshoot ngayon. Ayaw n'yo po ba talagang i-try?" tanong niya sa akin ngunit nakangiti akong umiling sa kaniya.

"Tingnan mo 'yon." Turo ko kay Zylin habang patuloy niyang inaayos ang hianaharap niyang wala naman. "Hindi ko kayang gumawa ng mga bagay-bagay para lang i-please ang iba o pagandahin ang imahe ko. Hindi ko kayang pekein ang mga bagay-bagay. Parang nahihirapan akong huminga," paliwanag ko sa kaniya at kukurap-kurap siyang tumango sa akin.

Bigla na lamang niya akong niyakap na ikinagulat ko. "Kayo lang po ang nakipag-usap sa akin. Kanina pa po ako pilit nakikipag-usap sa kanila. Sabi ang pangit ko raw po at dugyot," sumbong niya habang nakayakap sa akin.

Niyakap ko siya pabalik kahit pa tumatama ang buhaghag niyang buhok sa mukha ko. Mabait naman kasi, ba't naman itataboy at pandidirian? Mga artista na 'to, minsan mga feeling privilege.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now