EPILOGUE

27.6K 976 304
                                    

MASAYANG mukha ni Liran at bumungad sa akin kasabay ng pagbibigay niya sa akin ng report card niya.

"Nanay, my teacher told me that I am the class salutatorian," nakangiti niyang wika sa akin at hindi ko naman maiwasan ang mapangiti rin sa itinuran niya.

"Very good. How about Livan? Have you seen him?" tanong ko sa kaniya at sunod-sunod ang naging pag-iling niya.

"Nah. That freak usually spends his leisure time with books and paint brushes," sagot niya sa akin at nagtuloy na siya sa sala kung saan niya ibinaba ang bag niya.

The twins are now seven years old. It's been almost four years since we migrated here in Los Angeles.

Katatapos ko lang magluto ng hapunan namin at mukhang anong oras na naman darating si Livan. Madalas talaga ay siya na lang ang binabalikan ng school bus nila dahil halos sa library na siya tumatambay para magbasa at magpinta.

Hinubad ko ang apron na suot ko at tumungo sa sala saka ako naupo sa tabi ni Liran na nanonood na ng cartoons.

"Anak, are you jealous of your brother?" tanong ko sa kaniya saka ko inalis ang towel niya.

"No, Nanay. Livan is really intelligent and I don't have to compete with him. He has his own intelligence and I also have mine," sagot niya sa akin habang nakatuon pa rin sa pinapanood ang mga mata.

Matatas na silang mag-ingles ni Livan, siguro ay dahil na rin napilitan silang sapilitan na ma-adapt kung ano ang nasa paligid nila.

"That's good. Ayaw na ayaw ko na magkakaroon ka ng selos sa kapatid mo. Si Livan lang ang tanging kakampi mo. Okay po ba tayo r'on?" tanong ko sa kaniya na ikinalingon niya sa akin.

Ngumiti siya at lumitaw pa ang maliliit niyang mga ngipin. "Yes po, Nanay."

"HELLO! HELLO! HELLO!" Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Veron kasama si Dallia na buhat ang anak nilang babae na dalawang taong gulang—si Quey Lia.

"Hi, Quey!" masiglang bati ni Liran nang makita niya ang bata at agad siyang lumapit dito. Hinalikan niya sa paa si Quey dahil iyon lang naman ang abot ng taas niya.

"Liran, ha! No ligaw-ligaw muna. Ninang Veron will make galit to you," ani Veron na ikinatawa ko. Hinampas ko rin siya sa balikat dahil sa lawak ng imagination niya.

"Utak mo, beks, meron na namang ubo! Ang layo ng agwat nila—"

"Hello, bilat! Pumatol ka nga sa tatay nila na eight years ang tanda sa 'yo. Letse ka! Feeling innocent!" kantiyaw sa akin ni Veron at napangiti ako.

Hindi ako ang pumatol sa 'yo, Leik. Ikaw ang pumatol sa akin. Mahilig ka kasi sa fresh and innocent, bwakanang ina ka.

Pinaupo ko sila sa sofa at tumungo ako sa kusina para ikuha sila ng juice at makakain.

Nang tumungo kami rito sa L.A na mag-iina, dito na rin napiling manirahan nina Dallia at Veron. Ayaw raw nila akong malungkot at mag-isip na solo ko na lang ang mundo.

Sa totoo lang ay napakalaking tulong nila sa buhay ko. Kapag ramdam kong nakakasuko na, bigla na silang darating para lang magbigay sa akin ng sapat na rason para magpatuloy.

"Bilat." Napalingon ako at nakita ko si Veron na nasa entrada ng kusina at nakasandal lang. "Kaya pa?" nakangiti niyang tanong sa akin. Lagi siyang ganiyan. Laging iyan ang tanungan niya sa akin.

"Kakayanin. Strong ako. Ganito mo 'ko pinalaki, 'di ba?" tumatawang sagot ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at tinulungan akong magpalaman ng sandwich. "Wala ka pa bang planong bumalik sa Pilipinas? Magpapa-permanent citizen na ba talaga kayo ng mga anak mo rito?" tanong niya sa akin habang busy siya sa tinapay.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Where stories live. Discover now