CHAPTER NINE

87 4 0
                                    

MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Aiden sa steering wheel. He was really uncomfortable right now. Hanggang ngayon kasi ay tahimik parin si Bree. Alam niyang kasalanan niya kung bakit biglang naging distant at cold ang dalaga. He gave in to the urge to kiss her. Hindi niya inisip ang magiging reaksiyon nito o ang magiging kahihinatnan niyon. He was a stupid, selfish jerk. Kung pwede lang sana niyang ibalik ang oras.

Bumuntong-hininga siya at sumulyap rito. Kanina pa ito nakatingin sa labas ng bintana. Ni minsan ay hindi ito sumulyap sa kanya. Tiyak hindi ito magsasalita kung hindi niya uunahan ito.

Tumikhim siya. "Bree..." he started.

"No, please don't say anything." Mahinang sabi nito na hindi man lang siya tiningnan. Aiden fought the urge to stop the car and turn her around to face him. Hindi niya kaya itong pambabalewala ni Bree sa kanya.

"Bree, I just want to apologize. I'm sorry. I'm just confused as you are—"

"No! Wala kang alam sa nararamdaman ko!" Galit na tumingin ito sa kanya. Nakita niyang may luha sa mga mata nito. "Wala kang alam, Aiden, kaya wag mong sabihin sa akin 'yan."

"I'm sorry—"

"Just stop it, okay? Ayokong pag-usapan pa iyon." Iyon lang ang sinabi ng dalaga at bumalik na ito sa pagiging tahimik. Hindi man niya nakikita ang mukha nito ngunit alam niyang umiiyak ito. Narinig kasi niya ang mahina nitong pagsinghut-singhot. Nakita rin niya sa sulok ng kanyang mga mata ang patagong pagpahid nito sa mga luha.

Hinampas niya ang manibela dahil sa inis niya sa sarili. He didn't mean to make her cry. Dahil sa malakas na paghampas niya ay napaigtad ito ngunit hindi naman lumingon sa kanya. "Please don't cry, Bree." Sabi niya rito. "I'm sorry. I didn't mean to upset you."

Muli itong suminghot ngunit nanatili parin itong tahimik. Hindi na rin siya nagsalita pa. Baka kasi lalo lang itong magalit sa kanya at tuluyan na siyang hindi pansinin nito. Wala silang imikan sa loob ng sasakyan, halos nakakabingi na ang katahimikan ngunit wala siyang ibang pagpipilian.

Nang marating na nila ang Pototan ay agad na nagtanong siya kung nasaan ang villa ng mga Villegas. Sabi ng matanda na napagtanungan niya ay nasa Barangay Guinacas daw iyon. Buti na lang nagmagandang-loob ang matanda at ginawan sila ng mapa kung paano makakarating doon. Matapos makapagpasalamat ay pinuntahan na nila ang lugar. Wala paring imik si Bree at hinayaan na lang niya ang dalaga.

Ilang minuto ulit ang nakalipas ay narating na nila ang villa. Tinanong sila ng guard kung sino ang pakay nila. Siya na ang sumagot sa tanong nito dahil mas pinili parin ni Bree ang maging tahimik lang.

"Kaibigan ho kami ni Shannon." Aniya. "Our names are Aiden Lyle Francisco and Bree Sandoval."

"Iko-confirm ko lang ho, Sir." Sabi ng guard bago ito tumawag sa main house. Pagkaraan ng ilang sandali ay binaba na nito ang telepono. "Pwede na ho kayong pumasok, Sir." Anitong nakangiti pa. Biglang bumukas ang automated gate at pinaandar niyang muli ang sasakyan upang tuluyan ng makapasok sa loob ng villa.

Ilang metro din ang layo ng bahay mula sa gate. Tumingin siya kay Bree at nakita niyang nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Bumuntong-hininga siya. Ano kaya ang dapat niyang gawin upang makipag-usap na ito sa kanya? One thing's for sure though, hindi niya hahayaang mauuwi sila sa ganito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niyang muli. Ibinalik niya ang tingin sa daan at nag-concentrate na lang sa pagmamaneho. Nang ihinto na niya ang sasakyan ay agad na umibis si Bree. Ni hindi na ito naghintay pa na pagbuksan niya. Isang maid ang naghihintay sa kanila sa front door at binati sila.

"Welcome ho, Ma'am, Sir." Anito. "Sabi ho ni Ma'am Audrey sa veranda na ho kayo maghintay sa kanya sandali. Nasa itaas pa kasi siya nagbibihis. Sumunod na lang ho kayo sa akin." Sumunod siya rito at ganun din si Bree sa likuran niya. Tahimik parin ito and he was already anxious to be left alone with her so he could try to talk to her again.

The Road To Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now