CHAPTER FIVE

66 4 0
                                    

NAGISING si Bree kinabukasan na may isang mabigat na bagay na nakapulupot sa kanya at mainit na pagbuga ng hangin sa leeg niya. Ibinuka niya ang kanyang mga mata at tiningnan kung ano ang mabigat na bagay na iyon. Nakulong sa lalamunan niya ang kanyang hininga nang makita niyang ang nakahandusay sa tiyan niya ay braso pala ni Aiden. Ang mukha ng binata ay nakasubsob sa leeg niya. Ang mainit na hininga nito ang siya palang dumadampi sa leeg niya. He was too close for comfort she realized and was about to push herself away from him when she noticed there was something wrong with his hot breath.

Against her better judgment she reached out a hand to touch his cheek. Inilipat niya ang palad sa noo nito. Napasinghap siya. Inaapoy ito ng lagnat!

"Aiden," pukaw niya sa binata. His arm tightened on her waist, drawing her closer. A reflex action, she thought. "Aiden," pukaw niya ulit sabay haplos sa pisngi nito. Gumalaw ang binata at saka dahan-dahan nitong ibinuka ang mga mata.

"Bree..." His voice came out in a raspy whisper.

"Inaapoy ka ng lagnat." Aniya. Muli nitong ipinikit ang mga mata. Wala siyang choice kundi i-angat ang braso nito mula sa pagkakayakap sa kanya. "Kailangan mong maka-inom ng gamot. Tatanungin ko si Aling Teresita kung mayroon ba sila." Naghilamos at nagmugmog muna siya sandali bago niya tinungo sina Aling Teresita at Manong Pedring sa kusina. Pagdating doon, sinabihan niya agad ang mag-asawa tungkol sa pagkakasakit ni Aiden.

"Gagawa ako ng lugaw para sa kanya." Sabi ng ginang.

"Naku, kung ganun eh, hindi muna kayo tutuloy sa inyong biyahe ngayong araw."

Tumango siya sa sinabi ni Manong Pedring. "Kailangan niya ho munang magpahinga."

"I feel fine," tinig ni Aiden ang narinig nila mula sa pinto kung saan nakasandal ito. Sabay pa silang tatlong napalingon rito. No, he didn't look fine at all. He looked pale, at sumisinghot-singhot rin ito na nagpapahiwatig na sinisipon ito.

"No, kailangan mong magpahinga Aiden." Aniya rito.

Tumingin ang binata sa kanya. "I can still drive. I'll just have to stay hydrated and I'll be fine."

"No, hindi tayo aalis ngayon. Walang gasolina 'yung sasakyan, diba? Hindi ka rin imamaneho ni Manong Pedring sa gasolinahan para bumili doon. You'll stay here and get some rest. Your body is fighting against a sickness and needs plenty of energy to heal itself."

He scowled.

"Tama si Bree, hijo." Sang-ayon naman ni Aling Teresita. "Magpahinga ka muna. Makakasama sa'yo ang magbiyahe na mayroon kang sakit. At hindi lang 'yon, napakadelikado rin. Wag mong ipagsapalaran ang buhay ninyo ni Bree dahil lang gusto mong makarating ng Iloilo agad. Isa pa, mahigit apat na oras lang naman ang biyahe. Kung magaling ka na, makakarating din kayo dun."

Bumuntong-hininga ito, and she took it as a sign of defeat. "Alright, bukas na lang tayo aalis."

"Hindi rin." Sabi ni Aling Teresita bago paman makasagot si Bree. "Kung gagaling ka bukas, eh 'di mabuti. Pero baka mabinat ka at babalik ang lagnat mo habang nasa daan kayo." Tumango si Bree sa sinabi ng ginang.

Si Manong Pedring naman ay napatawa. "Wala ka ng magagawa, hijo. Two versus one? Hindi ka mananalo." Anito sabay tapik pa sa binata. Hindi rin mapigilan ni Bree ang mapangiti. Lumakad siya patungo rito at hinila ito papasok sa kusina. Mainit ang kamay nito at huli na para bitawan iyon. She should have pulled his shirt, not his hand. Nang magtama ang kanilang mga mata ay bigla na lang nanuyo ang lalamunan niya. Worse, her heart did a double flop. Hindi lang kasi simpleng tingin ang binibigay nito sa kanya; tinititigan siya nito.

The Road To Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now