CHAPTER THREE

69 4 0
                                    

"COME ON, sleepyhead, time to get up." Pukaw ni Aiden kay Bree na humihilik parin hanggang ngayon. Umungol lang ito ngunit hindi naman gumising. Her pink little toes were peeking beneath the sheet and an idea crossed his mind. Kiniliti niya ang paa nito dahilan upang mapabalikwas ito ng bangon. Isang marahan na tawa ang kumawala sa lalamunan niya pagkakita sa itsura nito. Her hair was all over the place and her eyes were still droopy. For a second, he hated himself for interrupting her sleep. Halatang hindi morning person si Bree.

"I'm sorry to wake you up, angel face but we need to leave." Tumingin siya sa relos niya. "I'll give you five minutes to wash yourself."

"Anong oras na ba?" Tanong nito habang kinakapa ang sulok ng mga mata. Hindi man lang niya ito nakitaan ng pagpa-panic. Parang hindi nito narinig na limang minuto lang ang binibigay niya rito para maligo.

"It's already seven. Come on, move." Bumaba ito sa kama at dumiretso sa banyo. "Hihintayin kita sa lobby, okay?" Aniya bago nito isinara ang pinto. Lumabas na siya ng kwarto at bumaba sa lobby. Fifteen minutes later, bumaba na ito. Naka skinny jeans ito at puting blouse. And most of all, she was wearing an apologetic look that he couldn't bring himself to scowl at her.

She held up one finger. "Alam kong sinabi mong five minutes lang pero babae ako at alam mo naman kung paano mag-ayos ang mga babae."

The corner of his lips lifted into a smirk. "Yeah, I get it. Come on let's go. And oh, I hope you don't mind eating breakfast in the car."

"Nah, it's okay."

Several minutes later ay nasa ferry boat na sila. Maaliwalas na muli ang panahon at payapa rin tingnan ang karagatan. Pareho silang nakasandal sa boat railings habang hinihintay ang pag-andar ng barko. Suhestiyon kasi niya na iwan muna nila ang sasakyan upang makalanghap naman sila ng sariwang hangin.

"Sabi mo one to two hours ang biyahe, diba?" Tumingin ito sa relos na suot nito. "Siguro mga ten or eleven tayo makakarating ng Puerto Galera."

"Hmm," iyon lang ang sagot na ibinigay niya at muling tumingin sa dagat.

"Don't worry, makakarating din tayo sa destinasyon natin, 'kay?" Napakalawak ng ngiti nito habang pinipilit na ipiit ang buhok sa tenga. It was no use against the wind. Eventually, Bree gave up and let the wind blew her hair. Narinig pa niya ang 'argh' nito bago tuluyang hinayaang magulo ang buhok nito. Kung si Audrey ang kasama niya ngayon, hinding-hindi iyon papayag na magugulo ang buhok. Dapat palaging maayos iyon. It's either French braid or fishtail braid ang magiging hairstyle nito kapag pumupunta sila sa beach.

He sighed upon remembering his girlfriend.

"Umaandar na ang barko!" Ang excited na tinig ni Bree ang pumukaw sa kanya. Naramdaman niya ang banayad na pag-andar ng barko at napangiti siya. He looked at her and panic engulfed him when she saw Bree leaning dangerously over the railings to watch the boat's thick wake.

"Bree!" Bigla siyang napahawak sa blusa nito at hinatak ang dalaga. "Wag mo ngang gawin 'yan. Baka mahulog ka."

She smiled sheepishly. "Sorry, na-excite lang ako." Tumingin itong muli sa ibaba, may isang ngiti sa mga labi nito. Hindi rin niya mapigilan ang ngumiti. Nakakaaliw kasi itong tingnan. She looked so carefree. "May dolphin kayang lilitaw?" Tanong nito.

He shrugged without taking his eyes off from her profile. "Siguro."

Ini-angat nito ang mukha at tumingin sa kanya. "Sa kabila naman tayo." Tumango siya. Tutal, ayaw pa niyang bumalik sa sasakyan. Naka-upo lang siya sa bench habang nakatanaw sa dagat. Bree was leaning over the boat railings again but safely this time. Hindi na siya magugulat pa kung bigla itong magsisigaw dahil nakakita ito ng dolphin.

The Road To Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now