CHAPTER FOUR

76 4 0
                                    

"MAY MAITUTULONG ba ako, Aiden?" Tanong ni Bree sa binata nang pareho silang bumaba ng kotse.

"No, it's alright. I got this. Sandali lang ito." Sagot nito na hindi man lang lumilingon sa kanya. Sumandal siya sa kotse habang pinapanood ang ginagawa nito. Bree had no idea how to change a flat tire while Aiden looked like he knew what he was doing. Luminga siya sa paligid at ipinagpasalamat niyang nasa ilalim sila ng isang punong-kahoy. Napakasariwa din ng hangin at napakatahimik pa ng paligid.

Mahigit dalawampung minuto rin ang lumipas bago tuluyang natapos si Aiden. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at sumunod naman ito. Dahil mas pinili ni Aiden ang maging tahimik, naisipan niyang i-on ang car stereo nito. "Um, may I?" Tanong niya sa binata.

"Oh, yeah, go ahead." Sagot nito na hindi man lang siya tiningnan. Nahihiya parin ba ito sa ginawa nito kanina?

Biting her bottom lip, she turned on the car stereo. Pumailanlan ang kantang Deserve Better ni Amy Diamond. Sinandal niya ang ulo sa headrest at napakanta. Buti na lang alam niya ang lyrics niyon. Hindi niya matiis na hindi lingunin si Aiden. Gusto kasi niyang malaman kung nag e-enjoy rin ba ito sa kantang pinili niyang marinig. Ngunit nakita niyang nakakunot ang noo nito.

Yikes! Napangiwi siya. Na-realize niyang nakaka-relate ang sitwasyon ni Aiden at ng girlfriend nito sa first verse ng kanta. Agad niyang in-off ang stereo dahilan upang lingunin siya nito. Biglang nanayo ang mga balahibo niya at hindi niya alam kung bakit.

"Why did you turn it off? I was listening to it."

Tumikhim siya. Dahil hindi niya alam ang sasabihin, she turned it back on and flicked the radio from station to station. Hindi naman ito nagprotesta pa. Seconds later, Hanson's Penny & Me blasted through the speakers. Napangiti si Aiden sa choice of music niya. Pareho pa silang sumabay sa pagkanta. Halos abot hanggang tenga ang ngiti niya. It's better this way than sharing an awkward silence. Ilang mga pop songs pa ang sumunod at sige parin sila sa pagkanta.

Few minutes later, dinadaanan na nila ang Western Nautical Highway. Kinuha niya sa dashboard ang iPad nito upang tingnan muli ang road route plan. Nakita niyang ang daan na tatahakin nila ay magtatapos sa Dangay Port.

"I hope you're okay with another ferry ride." Sabi ni Aiden sa kanya dahilan upang tuluyan siyang takasan ng kulay sa mukha.

Pinilit niyang huwag mag-panic. "Um, ilang oras ba ang biyahe?"

Aiden looked like he didn't want to answer her question. "Uh..." Nag-aalinlangan ito. "Four hours." Muntik niyang mabitawan ang iPad dahil sa sagot nito. Ibinalik niya iyon sa dashboard bago paman niya masira iyon. He smiled encouragingly. "Wag kang mag-aalala, you'll be fine. You just have to relax and stay hydrated. Magtiwala ka sa 'kin, Bree."

Gumaan ang loob niya kahit papa'no dahil sa sinabi nito. She inhaled a deep breath and willed herself to relax. Nakinig na lang siya ulit ng kanta. Good choice dahil naramdaman niyang unti-unting siyang nare-relax. Bago sila tuluyang dumiretso sa seaport, huminto muna sila sa isang convenience store dahil may bibilhin daw si Aiden. Naghintay lang siya rito sa loob ng kotse. Pagbalik nito ay may dala na itong isang bottled peppermint tea at tubig. Bumili rin ito ng cracker biscuits.

"Here, these are for you." Anito bago binuhay ulit ang sasakyan. "Soda sana ang bibilhin ko pero naisip ko na baka mas gusto mo ang peppermint tea kaysa sa soda." Napangiti siya rito. He was very thoughtful she couldn't help but melt. Ngunit sandali lang ang feeling na iyon dahil lihim niyang binatukan ang sarili. May girlfriend na 'yung tao eh!

"Maraming salamat, Aiden." Aniya rito.

He smiled back. "Remember to stay relax, okay? Anxiety contributes to motion sickness."

The Road To Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon