CHAPTER TEN

105 5 0
                                    

IT'S BEEN three weeks since she got home from Iloilo. Ganun din katagal niyang hindi nakikita si Aiden at nami-miss na niya ito. She hated to admit it but she really do. Hindi niya mapigilan ang sariling isipin ito. Totoo nga siguro ang kasabihang "Absence makes the heart grow fonder". Hindi kasi nangyari ang inaasahan niyang makakalimutan niya ang binata kapag malayo na siya rito. Sa halip, hindi siya nakakatulog gabi-gabi dahil sa kakaisip rito. Paano kasi, katabi niya sa pagtulog ang Baymax stuffed toy na binigay nito at palagi rin niyang suot ang bracelet na regalo nito sa kaarawan niya. Minsan pa nga ay napapansin niya ang sariling nakatingin lang sa bracelet habang suot iyon. She wondered if he missed her, too.

At hindi rin niya maiwasang magtaka kung nasaan ito.

Dalawang araw mula nung naka-uwi siya ay bumalik si Audrey sa Maynila. Hinanda niya ang sarili sa muling pagkikita nila ni Aiden ngunit hindi nangyari iyon. It was only Audrey she saw. Ni hindi nga siya nito pinansin. Napag-alaman niya mula sa tita niya na babalik na pala ito sa Paris. At nang tinanong niya si Tita Isabel kung nakita ba nito si Aiden, sinabi nitong nag-iisa lang si Audrey na bumalik. Isang araw, natagpuan niya ang sariling pinuntahan ang binata sa condo unit nito na nasa fifth floor ngunit walang tao roon. Bumalik siya ulit kinabukasan ngunit ganun parin. Kung hindi ito kasama ni Audrey, siguro ay bumalik na ito sa Amerika.

The thought filled her heart with sadness. Magkikita pa kaya silang muli?

Isang katok mula sa pinto ang pumutol sa daloy ng isip niya. Siguro si Tita Isabel iyon. Tumawag kasi ito kanina upang sabihin na nakalimutan nito ang susi ng condo at kung maaari daw ay huwag siyang aalis dahil baka hindi ito makapasok sa loob. Tumayo siya mula sa high stool at iniwan ang brownies na hindi pa niya nagalaw sa ibabaw ng countertop. As always, nakatunga-nga na naman kasi siya.

Tumungo siya sa pinto at binuksan iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi si Tita Isabel ang naroon, kundi si Aiden Lyle Francisco.

Walang sabing sinampal niya ang sarili. Malakas ang pagkakasampal niya dahilan upang ngumiwi siya. Nag-angat siya ng tingin, kasabay niyon ang pagyakap ng binata sa kanya. To say she was surprised was an understatement.

"I thought you'd hug me the moment you'll see me but you didn't. So I'm just gonna do it." Sabi nito.

She blinked, tears slowly filling her eyes. "I..." She swallowed. "I was just making sure you're not an imagination."

Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa mga mata niya. "I've missed you so much, Bree."

Hindi niya inaasahan ang sinabi nito kaya isang singhap ang lumabas mula sa bibig niya. Pero kahit na ganun, napuno ng kaligayahan ang puso niya. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit ngunit may pag-aalinlangan parin siyang nararamdaman.

"S-Si Audrey..." She started. "Umalis na siya. Bumalik na siya sa Paris." Hindi ito nagulat sa sinabi niya. Siguro ay sabay silang umalis ng bansa. Pinilit niyang alisin ang paninibughong unti-unting lumilitaw mula sa kaibuturan ng puso niya.

"Audrey and I were over." Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. "She broke up with me. For the umpteenth time, I refused to be the person she wanted me to be. I guess that was the last straw for her."

"I'm sorry..." Aniya sa mahinang tinig matapos ang ilang segundo.

"It's for the better." Wika nito. "I was planning to end our relationship anyway."

"Bakit?"

"Because I'm falling for someone else." Sabi nitong nakatingin sa mga mata niya dahilan upang lumakas ang pintig ng puso niya. Lumunok siya at umiwas ng tingin. Sa sandaling iyon ay isinara nito ang pinto na noon lang niya napansing nakabukas pa pala. She automatically took a step back. "I got you something," sabi nito at may kinuha sa bag nito.

She gasped out loud. Hawak kasi nito ang last book ng Blood Brothers Code.

"This copy is for you, Bree." Sabi nito at may ngiti sa mga labing kinuha niya iyon mula rito. It looked so new. "Iyan ang dahilan kung bakit mahigit isang buwan akong hindi nagpakita sa'yo." Mula sa pagtitig niya sa cover ng libro, tumingin siya ulit rito. "I went back to the States to see if it has been printed already. But it turns out, next month pa pala ipi-print ang libro. I told them...I needed to have a physical copy of the book fast. I humbly asked them to print an advance copy, just one copy for me, so I could finally see the girl I've fallen in love with, the same girl who gets me and claims that she's my number one fan, and give it to her."

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Her heart soared higher than she thought was possible. "Wh-what are you saying, Aiden?"

Pero sa halip na sagutin siya, binuksan nito ang hawak niyang libro sa dedication page. Napatingin na rin siya doon. At nang makita niya ang pangalan niya, napasinghap ulit siya.

For Bree...

I must admit you were not a part of my book

But now if you open it up and take a look

You're the beginning and the end of every chapter

Napaluha siya sa nabasa niya. One tear rolled down her cheek and dropped to the open book. Naramdaman niyang pinahid nito ang isa pang luha na tumulo mula sa mata niya. "I know this is a bit early to say but I'm falling for you, Bree." Anitong inangat ang mukha niya. "Some people question the choice I've made in life, and continue to do so. But you...you never did. You get me. You never saw me as the son of two famous people but you saw me as me."

"Aiden..." Another tear fell but his thumb was already there to wipe it. Hinalikan nito ang noo niya at hinayaan naman niya ito. Nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso niya. Hindi niya inakalang maririnig niya ang mga salitang iyon mula rito.

Muli itong tumingin sa mga mata niya. "While I was away, I've been thinking about you the whole time, Bree. Pinagdarasal ko na sana hintayin mo ako. Na sana may nararamdaman ka para sa 'kin kahit konti lang."

Nahihiyang ngumiti siya rito. "Hindi ko alam kung bakit at kung paano nangyari, namalayan ko na lang ang sarili kong nahuhulog sa'yo, Aiden. I tried to fight it but I just can't seem to stop myself."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Sometimes you can't help what you feel, for whom, and how quickly you feel it. Strange things can happen when you least expect it." He kissed the bridge of her nose. Then his lips slowly traveled down to her lips. Pinikit niya ang kanyang mga mata, kasabay na nabitiwan niya ang libro. She could only hope the fall didn't damage the book.

Their first kiss was shattering in its simple beauty. He was so sweetly submissive, like he was giving her the chance to pull back.

But backing off was the last thing on her mind.

Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito. Bree opened her mouth and kissed him back. This time, he deepened the kiss much more slowly. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa baywang niya habang ang isa naman ay nasa likod ng ulo niya. His fingers threaded in her hair and he angled her head so he could deepen the kiss. Her heart increased its frantic breathing as they continued.

Then he slowly pulled back from her and rested his forehead against hers. He continued to stroke her hair as he tried to catch his breath. "Wala ka ng magagawa, Bree. You're falling for me and I promise you I will meet you halfway."

The Road To Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now