CHAPTER TWO

81 4 0
                                    

"DAMMIT!" Halos muntikan ng suntukin ni Aiden ang mamahalin nitong kotse dahil sa sobrang inis nang makabalik sila sa pinag-parking-an ng sasakyan. Hindi parin tumitila ang ulan kaya dumiretso siya sa front passenger seat at ganun din ito sa driver seat. He was gripping the steering wheel so tightly his knuckles turned white. Natatakot tuloy siyang magsalita dahil baka sa kanya nito ibuntong ang galit.

Bumuga ito ng hangin bago tumingin sa kanya. "We need to find an inn." Iyon lang ang sinabi nito at tumango siya. Binuhay nito ang makina ng kotse at naglibot-libot sila upang makahanap ng matutuluyan. Ilang minuto ang nakalipas ay nakahanap na rin sila.

Bitbit ang kani-kanilang duffel bag, pumasok na sila sa inn. "Hello," bati ng binata sa receptionist. "I'd like to know if you have any rooms available." Bree was aware of how he emphasized the word 'rooms'.

Nagpalipat-lipat ang ngiti ng babae sa kanila ni Aiden. "Sadly we only have one room available, Sir." Anito. Nakagat niya ang labi habang si Aiden naman ay mahinang napamura. "You'd like to take it, Sir? The hotels and inns are sure in demand at this moment because of the storm. Hindi ko ho maipapangakong magiging sa inyo ang kwarto kung sakaling iisipin ninyong bumalik rito after finding out the hotels and inns are all booked up." Aiden closed his eyes and rubbed his temples as if he suddenly had a headache. Siya naman ay todo ang kabang nararamdaman. Hindi niya ma-imagine ang sariling makasama si Aiden sa iisang kwarto.

Tumingin ito sa kanya na may katanungan sa mga mata nito at lumunok siya. She hasn't shared a room with a guy before, much less with a guy she hardly knew but she understood their current situation. Wala naman talaga silang choice diba?

"Um, kukunin namin ang kwarto Miss," aniya sa babae.

"Perfect." Lumawak ang ngiti ng concierge. "So it's an indefinite stay, yes?" Tumango si Matthew sa tanong nito. Pagkatapos ay pumunta na sila sa third floor kung nasaan ang kanilang kwarto. Halos gusto ng ibagsak ni Bree ang katawan sa kama nang makita niya iyon. Nakakapagod rin kasi ang ilang oras na pag-upo.

Napatingin siya kay Aiden. Siguro mas pagod ito kaysa sa kanya. Hindi biro ang magmaneho ng ganun kalayo. And to think na hindi sila humihinto upang magpahinga man lang. Aiden was driving for at least three hours straight. He must be really tired.

"You can have the bed later tonight, Aiden. I'll take the couch." She said to him.

Umiling ito. "No, you can have the bed. Sa couch ako matutulog."

Napatingin siya sa two-seater couch at napangiwi. Sa taas ni Aiden na five-eleven ay nasisiguro niyang hindi ito makatutulog ng maayos doon. Nang tumingin siyang muli sa binata ay nakita niyang nakawingi rin ito. He probably thought the same thing.

"We can share the bed." She had no idea where that came from. Kumurap si Aiden sa kanya. She fought the urge to blush or she'll definitely make herself look more stupid than she already was. "I-I mean, medyo maluwag naman ang higaan. Maglalagay lang tayo ng isang malaking unan sa pagitan natin."

"No, I'll be fine on the couch." Anito at nagkibit-balikat na lang siya. Hindi na siya nagpumilit pa. Baka isipin pa nitong may balak siyang i-seduce ito sa kalagitnaan ng gabi.

"Bibili lang ako ng pananghalian natin." Sabi nito at tuluyan ng lumabas bago paman siya makasagot. Thirty minutes later, he came back with take-out foods from McDonald's.

"I hope you're not on a diet because this would totally ruin it." Sabi nitong nakangiti pa.

"Sira na ang diet ko noon pa." Biro niya. Pagkatapos ng pananghalian ay umidlip muna sandali si Aiden. Nasa malaking kama ito humiga dahil na rin sa pagpupumilit niya. Gusto lang kasi niyang komportable ito kahit ngayon lang. Siya naman ay nakatulog rin sa couch.

The Road To Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now