CHAPTER SIX

74 3 0
                                    

MUKHA ni Bree ang unang nasilayan ni Aiden nang magising siya kinabukasan. Just like the other night, ang unan sa pagitan nila ay wala na roon at hindi niya alam kung nasaan iyon. Mahimbing na natutulog ang dalaga habang nakaharap sa kanya. Gusto sana niyang bumangon pero hindi iyon ang ginawa niya. Sa halip ay nanatili siyang nakahiga sa tabi nito at marahang huminga. It was as though he was afraid she'd wake up from the sound of his breathing.

Tinitigan niya ang maamo nitong mukha. Her thick lashes were resting on her cheeks like miniature fans. May ilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha nito at hinawi niya iyon ng marahan. Ayaw kasi niyang maistorbo ang mahimbing na pagtulog nito. Ngunit gumalaw ito at aakmang ibubuka ang mga mata. Agad na pinikit niyang muli ang mga mata at nagkunwaring tulog. Ewan ba niya kung bakit niya naisipang gawin iyon. Lihim niyang tinawanan ang sarili niya.

Ididilat na sana niya ang mga mata niya nang maramdaman niya ang palad ni Bree sa pisngi niya. Her touch was gentle like she was afraid she might damage him. It was as though he was fragile and shouldn't be touched. Naisip niya kung alam ba nitong gising siya at nagkukunwari lamang. Ngunit kung sakaling alam nga nito o hindi, nakakasiguro siyang hindi siya basta-basta hahawakan ni Bree. Lalo na kung ganito katagal. Aiden had lost count of the seconds but it must have been a minute already. Parang hindi siya makahinga sa paraan ng paghawak nito sa kanya.

Bumuntong-hininga ito at saka inalis ang palad sa pisngi niya. An unexpected groan was beginning to bubble on his throat and he had no idea why. Naramdaman din niya ang pagbangon nito mula sa kama. Hindi muna niya idinilat ang mga mata hangga't nakakasiguro siyang wala na ito sa loob ng silid. Nang marinig niya ang mahinang pagsarado ng pinto ay noon lang niya ibinuka ang kanyang mga mata.

What on earth was that for? Bree's simple touch filled his heart with something he couldn't quite put a finger on. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. He had never felt anything like this before. To say he was confused would be an understatement. What was happening to him? What was it about her that made his insides do funny things?

Bumangon siya sa kama at inilamos ang palad sa mukha. Hindi na siya makahintay pang makarating ng Iloilo. Sigurado kasi siya na kung anuman itong nararamdaman niya ngayon ay mawawala rin sa oras na makikita niya ulit ang girlfriend niya.


NAKASANDAL si Aiden sa hamba ng pinto, naka-ekis ang mga braso sa harap ng dibdib habang naaaliw na minamasdan ang walang humpay na panghuhuli ni Bree ng sisiw kahit na nagagalit ang inahing manok sa tuwing lalapit ang dalaga.

"Mama Chicken, gusto ko lang namang hawakan ang sisiw mo kahit na isa lang sa kanila!" Nababagot na bulalas ni Bree. Aiden chuckled as he continued to watch her. Nakatalikod ito sa kanya at hindi nito alam na kanina pa siya naroon sa may pinto.

Masaya siyang nakikitang nag-eenjoy ito ngayon. Kahapon kasi, wala itong ibang ginawa kundi ang alagaan siya at labhan ang mga damit nila. Desisyon ng dalaga na gawin ang huli at wala na siyang nagawa pa roon dahil huli na nang malaman niya iyon. "What if hindi natin agad mahahanap si Audrey sa Iloilo? Eh di, wala tayong magagamit na damit." Naalala niyang sabi ng dalaga.

"Oh no!" Naaalarmang tili ni Bree ang pumutol sa daloy ng isip niya. Nakita niya itong tumakbo papalayo sa galit na galit na inahing manok. Poor Mama Chicken, she must have had enough.

Tumakbo si Bree sa loob ng bahay at agad niyang sinalubong ito. Dahil hindi siya nito napansin, nakatingin kasi ito sa likuran nito na parang sinisigurado nitong hindi ito maaabutan ng sobrang galit na manok, bumunggo ito sa kanya. Agad niyang hinawakan ang magkabilang braso nito nang tumalbog ito mula sa pagkakabangga sa kanya. "It's alright, Mama Chicken went back to her chicks already." Aniya rito at agad na nawala ang panic sa mukha nito. He chuckled. "Ginalit mo kasi, ayan tuloy ang napala mo."

Lumabi ito. "Ang damot naman. Gusto ko lang namang hawakan kahit isang sisiw lang."

Tumawa siya. "Sa pagkakaalam ko, protective ang mga inahing manok sa mga sisiw niya. It's normal so don't take it to heart."

Bree sulked even more and glared at the chicken. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya kahit na tumalikod ito at umupo sa malaking bato na nasa ilalim ng medyo may kataasang kahoy at napapaligiran din ng sampaguita. The still air was heavy with the smell of blossom and the fragrance of the flowers.

"Wag mong hayaang masira ang araw mo dahil sa isang sisiw lang." Aniyang sumunod sa dalaga.

Bumuntong-hininga ito. "Nakakagigil lang kasing tingnan ang mga sisiw." Anitong ngumingiti na sa wakas. Nangingiting umiiling-iling siya rito. Then he crossed his arms against his chest and hid his hands in the crook of his elbows. May maliit na ngiti sa mga labi nito habang patuloy siya nitong tinitingnan. Gusto tuloy niyang malaman kung anong iniisip nito.

Ipinilig niya ang kanyang ulo habang nakatingin parin rito. "Why are you staring at me like that?"

Kinagat ni Bree ang ibabang labi nito, ang pisngi nito ay unti-unting namumula. As expected, hindi ito sumagot sa tanong niya. Sa halip ay ibinaba nito ang tingin. Marahan siyang tumawa at inabot ang isang full bloom na bulaklak ng sampaguita sa likuran nito upang pitasin iyon. He lifted a strand of her long hair and tucked the flower behind her ear.

Tumingin ulit ito sa mga mata niya, and he found himself captivated by her tranquil radiance. Her dark eyes dilated as she stared back at him. Lumipat ang tingin niya sa mga labi nito. He wondered what those unpainted lips would taste like.

The thought surprised the shit out of him. For heaven's sake! Ano bang iniisip niya? That was totally off limits!

Pinikit niya ang kanyang mga mata at inisip ang nobya. Ngunit sa halip na kasiyahan ang madarama, kabiguan lang ang tanging nadarama niya. Hanggang ngayon kasi, ni isang text o tawag ay wala siyang natanggap mula rito.

"Okay ka lang ba, Aiden?" Tanong ni Bree dahilan upang ibuka niyang muli ang mga mata.

Umiling siya at ngumiti. "I'm perfectly fine."

Ngumiti ito bago pumitas ng isang sampaguita at ibinigay iyon sa kanya. He tucked the flower behind his ear. Tumawa si Bree sa ginawa niya at hindi na rin niya mapigilang hindi tumawa.

The Road To Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now