"Isa ba sa mga pantasya mo ay ang maging isa akong med student?" tanong ko. "Yan ba yung dahilan kaya mo ako inimbitahan rito?"

Ngumiti siya. "Hindi, pero ang isa sa mga pantasya ko ay ang maging parte ka ng buhay ko."

Naramdaman ko na naman ulit yung bigla biglang pagbugso ng pagkahumaling ko para sa kaniya pero bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako, "Oras na," saad niya na marahan akong itinulak papasok sa pinto na dalawahan.

Pagkapasok namin ay naamoy ko kaagad ang mga preserbatib na ginagamit nila para tumagal at maiwasan ang pagkabulok ng isang bagay. Nanunuot sa ilong ko ang alingasaw niyon at tila nagpapakati sa balat ko. Doon nga ay nakita ko ang nga katawan, Tila nagkulay abo at kulay lupa na ang mga iyon na sobrang payat. Inalis ito mula sa pagkakabalot sa basahan na yari sa pira pirasong damit at sa plastic na gawa rin ng mga estudyante na kumuha sa kanila.

"Ito ang sa atin." sabi ni Azrail nang lumapit kami sa isang bangkay.

"Yung muscle ng bisig niya." sabi ko na agad nakaagaw ng pansin ko sa galing ng pag-dissect o paglapa nila sa parteng yun. "So, ganito pala ang itsura nila."

"Ssshhhh." bulong ni Azrail sa akin kaya nagtaas ako ng tingin. Ang instructor nila ay nasa harap na pala ng kwarto malapit sa may white board. Nagsusulat ng gagawin nila para sa araw na'to.

Nilingon ko naman si Azrail. Pinagmasdan ko siya at nakatutok lang siya sa harap na tila hindi na rin ata kumukurap, ang bibig niya ay gumagalaw ng konti. Narinig ko rin ang ilang mga estudyante na nagkaka-usap usap na rin sa paligid namin. Pagkatapos magsulat ng instructor nila ay parang may biglang pumitik sa kaniya para matauhan. Lumingon siya sa akin at napangisi siya.

"Let's do it," ungol niya sa tenga ko. Kinilabutan tuloy ang buong kamay ko sa ginawa niya.

"S-sige." bulong ko rin pabalik sa kaniya.

"Hindi mo naman kailangang bumulong," sabi niya. "SUMIGAW KAYO KUNG GUSTO NIYO! HINDI BA, MGA KASAMA?"

Isang pares ang sumigaw rin pabalik. "OO NAMAN!" Ilan sa mga kalapit naming mga grupo ay napalingon sa amin at napakunot ng noo.

Aish. Gusto ko tuloy mapa-face palm dahil sa ginawa niya.

"Siya nga pala si Zane," pagpapakilala ni Azrail sa babaeng sumigaw rin kanina. "Zane, si Coreen."

Nakipagkamay ako sa kaniya. Maliit lang siya at may kulay lupang mata. "Welcome, Zane." sabi niya nang nakangiti sa akin.

"Nagagalak akong makilala ka." sagot ko.

"Ikaw Azrail ah, may kaibigan ka pala. Hindi mo sinasabi sa amin. Uhm .. Zane .. lalaki ka ba?" parang nahihiyang tanong niya bigla na ikinagulat ko.

"Ah .. ?" parang natangang sagot ko. Anong ibig niyang sabihin? "Bakit?" tanong ko rin pabalik nang bigla niyang  ipulupot sa siko ko ang braso niya na tila masayang masaya. "Alam mo kasi, ang cute mo. May girlfriend ka na ba? O single? Single rin kasi ako ngayon. Pwede ka ba?" tanong pa nito na mas lalo kong ikinagulat.

Pero siya naman ang sumunod na nagulat nang hilahin ni Azrail ang braso niya dahilan para mapabitaw siya sa akin.

"Nanlalandi ka na naman. Huy, ayusin mo ang buhay mo. Kaka-break mo lang kahapon sa jowa mo, naghahanap ka na naman agad." sabi ni Azrail na tila inis ang boses.

Napasimangot na lang si Coreen pero nakangiti pa rin nun lumingon siya sa akin. Hindi na pinansin pa ang sinabi ni Azrail. Mukhang sanay na rin naman ito sa kaniya. "Eto naman, nakikipagkaibigan lang eh. Masama ba?"

"Hindi masama ang makipagkaibigan. Ang masama ay ang nakikipaglingkisan ka sa kaniya. Close kayo?"

"Tss. Kung di ka lang ding gwapo baka nasampal na kita eh. Mabuti na lang mukhang mas mabait si Zane kaysa sa iyo. Kaya ka walang nagiging--"

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang