CRACK 10

124 9 0
                                    


✧✧✧

Zane's P.O.V

Ilang buwan na si Azrail sa ikalawang taon niya sa medical school nang lumipat kami sa isang bagong apartment nang magkasama, na pinagsama na rin ang mga maliliit naming gamit.

Napag-desisyunan na rin namin yun para hindi na rin kami mahirapang magkalayo kung nagkikita rin naman kami gabi-gabi.

Kung ang takbo ng relasyon namin ang ilalarawan ko, isa lang ang masasabi ko: ito ay balanse lang. Napag-uusapan ang lahat ng bagay sa maayos na paraan; kung may ayaw o gusto ang isa, pagbibigyan ang isa; kung may tampo ang isa, hindi sasabay ang isa, mag-uusap kung pareho ng kalmado ang isa't isa at pag-uusapan ng walang sigawan. In short, give and take lang. At proper communication, intindihin ang bawat isa, yan ang susi sa maayos na pagsasama.

Yun ang sekreto namin kaya mag-iisang taon na kami.

Sinabi niyang hindi na kailangan ang mga masyadong sosyal na date o celebration, ang mahalaga, naipagdidiwang ang araw at kasama ang tao na pinakamamahal mo at dahilan ng ipinagdidiwang mo.

Ang plano namin ay sumakay ng isang eroplano papuntang Coron, sa Palawan sa susunod na katapusan ng linggo para mag-enjoy rin nang kami lang dalawa. Kahit na sa kabila ng kaniyang pagiging malulain at naaalibadbaran sa mga matataas ay gustung-gusto pa rin ni Azrail na lumipad, lalo na sa akin. Pero bumagsak ang bagyo ng araw na iyon, kaya humiram na lang kami ng kotse.

Hindi rin din naman kasi kami tumitingin sa mga weather bulletin kung uulanin o hindi.

"Are you sure this is the best weekend to go?" tanong ko habang nag-iimpake kami noong hapon ng Biyernes.

"Bakit hindi?"

"It's going to pour."

"Alam ko, pero ito ang pinlano natin."

"Maaari naman tayong pumunta sa susunod na--"

"No, we need to go this weekend."

"Okay," sang-ayon ko na lang habang nagtataka. Bihira lang kasi siyang ganyan.

Ang kahirapan ko ay nangangahulugang hindi rin ako naging handa sa panahon, ang kinakailangan para sa mga big-ticket item ay tulad ng mga magagandang bota at raincoats na lampas sa akin, at mas murang mga bagay, payong at galoshes o yung mga boots na gawa sa rubber, binibili ngunit pagkaraan lang ng ilang araw ay nawawala rin. Kaya't nag-pack na lang ako ng canvas sneaker at mga malalaking plastic na garbage bags. Mabuti nga na hindi kami magka- camping na minsan ay napagplanuhan na rin namin pero di nga lang natutuloy dahil sa mga hindi magkatugmang schedules ng kaniya kaniya naming mga day-offs. Buti nga ngayon, natuloy, kaso eto nga lang napala namin.

Ang trapik sa labas ng bayan ay makapal, nagkandabuhol buhol at ang bagyo ay tumama habang nasa daan kami, kaya hindi kami nakarating agad sa hotel na pupuntahan namin hanggang sa dumilim na. Medyo malayo yun sa beach, na tila nawalan kami ng pag-asa at basang basa pa ng ulan. Kami lang dalawa ang um-okupa sa isang kwarto roon.

Hindi napigilan ng ulan si Azrail, patuloy lang siya sa pakikipag-usap sa akin sa daan at halatang gising na gising hanggang sa tuluyan na nga kaming nakarating sa patutunguhan namin. Pabagsak akong napadapa sa may kama.

"Let's go for a walk!" sabi niya bigla na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?"

"A walk. Halika na." Isinuot niya ang kapote niya at hinintay lang akong tumalima.

"Azrail, madilim sa labas."

"Darlin', it's life."

I hesitated, but he had that wonderful half-smile on his face, so I dragged myself up, put a garbage bag over my head, and ripped holes for my arms and face. "I love you," he said, happy, feels like he's excited for something.

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Where stories live. Discover now