"What?" he mouthed.

Tinaasan ko siya ng kilay sabay pameywang ko habang pinapasok niya sa loob ng bahay ang mga maleta ko.

"Tito, there's a hotel along the road! Bakit ka dito nakatira sa..." sabay tingin ko sa kabuoan ng bahay. Hindi naman ako gano'n ka arte sa bahay. Pero nasanay ako sa hindi ganitong klasing... sorroundings.

Nag-iba agad ang templa ng mukha ni Tito Marky sa akin.

"Last time I checked, I didn't invited you here. Pwede ka pang bumalik ng Tacloban, pabalik sa Maynila," aniya.

Padabog akong naglakad papasok sa bahay dahil ayokong bumalik sa Maynila dahil mga katulong lang ang kasama ko roon. I sighed. Hindi na rin naman siguro masamang subukan ang buhay dito sa probinsya.

"Alam mo kung bakit ako nandito. At malapit lang dito ang bahay niya kaya inupahan ko muna ang bahay na 'to," giit niya.

Yeah. He's smitten to this probinsyana girl na nakilala niya sa Maynila. What a stalker. Sinundan pa talaga dito.

I really thanked all the saints in heaven nang makitang may aircon pala ang kwarto. Hindi ko yata kakayaning electric fan lang ang gagamitin ko sa pagtulog.

"Freshen up. We'll go to the grocery later in the afternoon. Magpahinga ka muna," saad ni Tito at tumango lang ako sabay pasok ko sa kwarto.

The room is not that bad. Pwede na rin, as if meron pa akong pagpipilian. Naligo muna ako at nagbihis at dahan-dahang inayos ang gamit ko. Bakasyon na kaya pwede akong magtagal dito kahit makabalik na sila Mommy.

Sabi naman din ni Tito ay madaming pwedeng puntahan dito. Which made me a bit excited. Parang kailangan ko rin ng pahinga dahil masyadong nakaka-stress ang pagkokolehiyo.

5pm came and we went to Prince Mall. For me, it isn't a mall. Maliit lang ito para sabihing mall. Yeah, you could find the stuff you need in there but you can't see any luxurious stores inside. Tinigilan ko na lang ang pangungumpara ko nito sa Maynila.

I wonder again, may gwapo kaya rito sa probinsya? I smirked. I highly doubt it. Ni sa Maynila nga walang makakuha ng atensyon ko. Dito pa kaya sa probinsya?

Matapos naming mabili lahat ng kailangan ay agad na kaming lumabas sa naturang mall at pumunta sa isang lugar na masyadong mausok, pero mabango.

"Let's eat our dinner here," ani Tito Marky habang dala ang mga pinamili namin. Of course, wala akong binitbit na kahit isa sa mga pinamili namin.

Isa itong lugar na maraming nagtitinda ng barbeque. Kaharap nito ay dagat at isang maliit na pier. I saw a ship named , Roble. It's almost sunset, the scenery is kinda apocalyptic and the cold breeze from the ocean somehow felt... relaxing.

Nagbibisaya lahat ng tao sa paligid kaya wala akong maintindihan, at sigurado akong gano'n din si Tito Marky. He's busy on his phone.

Kalaunan ay dumating na ang order naming barbecues. Well, the barbecue is tasty, kaya napadami ako ng kain.

"Bakit ba kasi sumunod ka pa dito? You know, matatagalan ako dito," sabi ni Tito habang iniinom ang coke niya.

Nagpahid muna ako ng bibig gamit ang wet wipes bago nagsalita.

"Nakakasawa na ang mukha ng mga katulong sa bahay, Tito. And my friends are in abroad," giit ko.

"Bakit hindi ka sumama kina Reonn kong gano'n?" tanong niya.

"As if naman gusto kong ma witness ang lovvy dovvy nila Daddy. I've had enough Tito. Bata pa 'ko nakita ko na lahat. Alam mo yan," sabi ko at humalakhak si Tito.

Naalala ko noong 5 years old pako nang makita ko ang magulang kong... ugh! forget that gross memories Lana.

After we had our dinner ay umuwi na kami agad. Nagulat ako sa dami ng tao sa nadaanan naming park katapat ng isang malaking simbahan.

Again, sumakay kami sa pedicab pauwi.

Tinulungan ko si Tito na maiayos ang pinamili namin at nagpasyang manunuod kami ng movie sa Netflix. Kapag ganitong usapan, alam ko na agad ang kasunod... inuman.

Well, let me try this not so lavish life in Leyte.

A/N:
For those who can't understand bisaya. Nasa comment section ko ilalagay ang translations hehe.

The Mistress Where stories live. Discover now