25

48 2 0
                                    

"Congratulations!" Naiiyak na nasabi ni Joanna. "Bhie. Ano ba!?! Kinikilig ako. Deserve mo yan!"

Naiiyak ding niyakap ni Mona si Joanna kasunod ang kaniyang kuya Gab at ang kaniyang ina. Niyakap niya din ang kaniyang ate Shane sa tuwa.

"Miss Universe representative of the Philippines. Ms. Mona Gomez." Sabi ng isang reporter.

"Hi." Bumati si Mona.

Tinanong ng mga reporters si Mona tungkol sa kaniyang experience, sa mga nararamdaman, at sa future expectations. Since nanalo siya bilang Miss Universe Philippines ay may malaking expectation ang mga tao sa kaniya.

"Actually, I was a little nervous but I'm glad I worked it off." Sagot ni Mona sa tanong ng reporter.

"And people, the new Miss Universe Philippines Mona Gomez."

It was overwhelming to have that introduction. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa unang beses siyang nag-compete ay makakapanalo agad siya ng titulo.

"I'm 100% sure that your father is so proud of you right now." Sabi ng kaniyang mama.

"Me too." She smiled.

"Bhie! Papicture daw itong mga kaibigan ko sa'yo!" Sabi ni Joanna at may lumapit sa kaniyang mga babae. She thinks they are 19 or 20 years old. Naalala niya ang kaniyang younger self. Marami siyang naalalang mga masasayang memories.

"Hi po! Ay grabe nakakaproud pa din. Idol na po kita since nag-start ka mag-vlogging and yung mga times na kasama mo si kuya Jai." Ngumiti ang babaeng fan.

Alam niya sa sarili niyang hindi siya naging komportable sa sinabi ng fan. Pinilit niyang ngumiti alang-alang sa kanila.

"Nasaan na po ba si kuya Jai?" They asked.

Sa tanong na iyon ay parang gusto na niyang umalis sa sitwasyon na iyon. It made her feel uncomfortable. Nag-isip siya ng masasabi sa kanila para sa ikatatahimik.

"H-He's on Italy. Doon muna siya naninirahan." She answered.

Kita sa expresyon ni Joanna na alam niyang hindi komportable si Mona sa tanong ng kaibigan niya.

"Oy uuwi na si Mona at magpapahinga. Last picture na." Sabi ni Joanna.

The fans took their last pictures with her and left. After the interviews, they immediately went to the basement parking where their car was parked.

Mona was not okay after hearing what her fans asked. Hanggang ngayon ay dinadamdam ni Mona ang nangyari sa kanila ni Jai. About mysteriously leaving without a trace. About how he left without hearing her side or having an explanation.

"Bhie, sorry sa tanong ng kaibigan ko ah." Joanna caressed Mona's hands.

"O-Okay lang ako. Sanay nako tungkol diyan." Sagot ni Mona.

"I know you're not. Kilala kita."

"It's not their fault naman to make me feel this way about their question."

"Na-offend ka e."

"I'm not offended. It's just that, it's not-really-making-me-feel-at-ease feeling." Sagot niya.

"Do you want me to talk to them about that?"

"Wag na. It's okay." Mona smiled reassuringly.

-----

Simula nang mangyari ang pagkapanalo ay sunod-sunod na ang kaniyang schedule. Training, interviews, endorsements, at iba pa. Nakakapagod din ang sunod-sunod na ganito. Hindi pa man siya sanay.

Beauty In His Eyes (Beauty Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon