6

63 3 0
                                    

Nasa kwarto siya ngayon ni Jai at walang ginagawa si Jai kundi nagseselpon. He just let her film herself as long na hindi kita si Jai sa camera.

"Hey guys welcome back, it's me Mona. And you're back here. Watching me. If you may not know me, I make videos about makeups which I love. I practice my talents here in my free time." She said in her intro.

"Nakita ko kasi sa comments na maraming nag-rerequest ng skincare routine ko. And you can count on me on that." Aniya. "I'll tell you my secret." Bumulong siya sa camera.

"And I would also like to thank you all po for the support. Kakasimula ko palang sa youtube and hindi ko inakala na dadating kaagad ako sa ten thousand. It was a big achievement for me. Thank you po."

"Since naka-makeup ako ngayon, makeup remover is the first step." Sabi niya at kumuha ng makeup remover.

Pinahid niya ang makeup remover sa mukha at nakita ang natanggal na mga makeup sa wipes.

"So here, as you can see. Natanggal na siya pero ako I like to make sure na walang wala talaga. So I double use it. Just to make sure." Ngumiti siya.

"Next...uhm..ito dapat pala nasa bathroom ako. Jai pahiram ng banyo mo ha." Sabi ni Mona.

"Hmmpo." Sagot niya.

"Aww..by the way, Jai looks cute. Gusto niyo ba siyang sumama sa video ko? Haha but I don't know how. Usually, nahihiya siya makita ang sarili sa camera." Sabi niya.

Lumabas siya sa banyo at tinignan si Jai.

"Jai, halika may nakita ako." Sabi ni Mona.

Bumilis ang tibok ng puso ni Jai.

"A-ano yan? It's not my condoms right?" He asked.

"Ha? Now I have to censor that word na." Umirap si Mona.

"Ano nga?" Tumayo siya at pumunta sa banyo.

Pagpunta niya sa banyo ay nakita niya ang nag-rerecord niyang cellphone.

"Anong meron?" He asked.

"Siya yung guest ko for today guys." Sabi ni Mona sa camera.

"HA!? Ayaw ko nga." Sabi nito.

"Dali na." Sabi niya.

"No." He said.

"Pag sumama ka sa video, I will kiss you." Sabi ni Mona.

"Sa lips?" Ngumisi siya.

"Sa cheek." Sagot niya.

"Ayaw ko."

"Edi don't." Nagtampo ito at naglakad pabalik sa banyo pero saktong humawak si Jai sa kamay ni Mona.

"Hay...sige na nga."

"Yay!" Yumakap siya at namula nanaman ang mukha ni Jai.

Bumalik sila sa loob ng banyo at nagtaka si Jai sa kung anong gagawin nila.

"I'll be doing my skincare routine kasama si Jai." Sabi ni Mona sa camera.

"Obviously wala naman siyang makeup so we're on our foaming cleanser." Pinakita niya ang brand sa camera. Nilagyan niya si Jai ng product at sinunod lang niya kung paano inapply ni Mona ang cleanser sa mukha.

"Exfoliant. To exfoliate dead skin cells." Sabay silang gumamit nito.

"This is the toner I use. It keeps your skin balanced. Big help sa akin ang toner sa pagkawala ng pimples ko. Kasi dati hindi talaga ako maalaga sa face. So when I learned this skincare products nawala na ang mga breakouts ko." Sabi ni Mona.

Beauty In His Eyes (Beauty Series #2) [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα