8

55 3 2
                                    

"Mona, padala galing sa daddy mo." It was the same box she is receiving for the past years. Makeup ito galing muli sa America. Same brand, and same products. Noon ay excited siya kapag may natatanggap na padala mula sa kaniyang daddy pero ngayon ay parang wala nalang ito sa kaniya.

Sawa na siya sa makeup na padala ng kaniyang daddy taon-taon. Ang gusto lang naman niya ay makasama siya. Bumalik siya sa bahay at yun ang pinakagusto niyang hiling na matupad.

Sa loob ng apat na taon, hindi pa niya ito nakakausap. Hindi din niya alam kung nag-kakausap sila ng mommy niya. Probably not, she knows they're not in good terms pero hindi sila divorced. Hanggang dun lang ang alam niya, sa tuwing tatanungin ito ni Mona, hindi ito sinasagot ng kaniyang mommy.

"Anong oras daw kayo pwedeng umuwi?" Tanong ng mommy niya.

"Midnight." She answered.

"Uuwi ka ng twelve o hindi?"

"I don't know, text nalang ako."

"Make sure to have Russ or Jai to bring you back home, wag kang sasama sa iba."

"Yes mommy."

"I won't be home hanggang bukas ng umaga. May susi ka naman. Make sure na dito ka sa bahay umuuwi ha. Mona."

"I will mommy."

Pagkatapos noon ay umalis na siya at naiwan sa bahay. Naunang umalis si Joanna pagkatapos niyang makeup-an, dahil may dadaanan pa daw ito. For now, she is expecting Jai to be there, in his suit, with his car, with that new haircut, and those smirks.

"Text kita pag nandiyan na ko." Nabasa niya sa text ni Jai.

After a few seconds.

"Knock! Knock! Papasukin mo ko."

Bumilis ang tibok ng puso niya, pansin niyang parang lagi siyang kinakabahan ngayong nagkakausap na ulit sila ni Jai. Inayos niya ang sarili niya bago buksan ang pinto. Saktong naghihintay naman siya sa baba kaya madali niya itong nabuksan.

Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa kaniya ang isang matipunong lalaking naka-black suit.

Jai looked at her from her head to the ends of her dress.

"Nagpabangs ka." He said as if it was a statement.

"You noticed." She smiled.

"Ang ganda mo. You always are." He smiled.

"And you too. You look so handsome." She answered back. It was a genuine compliment.

"Si Joanna? Isasabay ko na."

"Nauna na siya. May dadaanan pa daw." She answered.

"Actually, medyo maaga pa. Gusto mo dito muna tayo? I was too excited to see you that's why I came early." He asked.

"Alright." Pumasok silang dalawa.

Pumunta si Mona sa kusina at kumuha ng maiinom nang maramdaman niya ang presensiya ni Jai sa likod niya.

"Ako na." Kinuha ni Jai kay Mona ang tubig na hawak niya at uminom sa harap niya.

Gosh, he looks so handsome.

"Nasan mommy mo?" Tanong niya pagkatapos uminom.

"Work." She answered.

"So wala si Joanna, wala ang mommy mo." He said.

"Yes. I'm actually alone, I was waiting for you. Ila-lock ko pa yung house namin. And then we can go." Sabi niya.

"Mona." He tucked her hair behind her ear.

Beauty In His Eyes (Beauty Series #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now