16

38 2 0
                                    

"Konti nalang! Konti nalang!!! Pota kokonti nalang sampu nalang!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Russ.

At nang nagkaroon ng dagdag na sampung bilang ay saktong nakaabot na ng sampung milyon ang mga subscribers ni Mona. Lahat sila ay nagsigawan at nag-celebrate.

"Thank you all Moons!!!!! We reached ten million subs. Thank you all for the support. To my friends! Family! Loved ones. And my Moons." Sabi ni Mona sa camera.

"Congrats love." Hinawakan siya ni Jai sa kaniyang balikat at humarap si Mona. He hugged her.

"Ayan guys tignan nyo naman ang lalandi." Sabi ni Joanna sa tabi.

And that was an achievement in a milestone. One of the big doors opened to her. She was offered to be the face of TheTrucco. That means she need to fly to Italy.

-----

"Nilagay ko na lahat ng damit mo. Necessities, makeup. Lahat ng kailangan mo nandiyan." Sabi ni mommy.

"Thank you mommy. I'll be back next week. I'll bring you pasalubong." She smiled.

"Jai anak. Ikaw na bahala kay Mona ha?" Sabi niya kay Jai.

"No worries mama. Ako bahala dito." Ngumiti si Jai.

Narinig nilang dalawa ang announcement na pwede na silang umalis at sila ay pumasok na sa loob. She waved at her mother before disappearing. Sinamahan din sila ng mga guards ng mommy ni Jai. It was her order to escort them until they reached their vacation house in Italy.

"It's not my first time riding an airplane pero kinakabahan talaga ako." Jai chuckled nervously.

"Ang layo. Your personality. Ang layo sa fear mo." Sabi ni Mona.

"Asus Mona naman oh."

-----

It was a boring hours flight. Tulog na si Jai nang nag-announce ang piloto na malapit na sila sa Italy.

"Jai wake up na."

"Hm ha?" Nagising siya sa pagtatapik-tapik ni Mona sa kaniyang ulo. "Nasan na tayo?"

"Nasa eroplano pa din." Sagot niya.

"Hindi, nasa Italy na tayo?"

"Yes. We're gonna go na."

Pagbaba nila ng private jet ay kaagad na may nag-escort sa kanilang mga guards at pinagbuksan sila ng pinto ng isang mamahaling sasakyan.

Inside the car was a little warm considering that Italy was in a cold weather right now. Medyo makulimlim pati at pagabi na.

As always, she brought her camera with her and started vlogging again.

"So guys, guess who's with me?" She smirked. Itinutok niya ang camera sa mukha ni Jai.

"It's Jai! He went to Italy with me. Couldn't leave my boyfriend behind. Ayaw pa nga niya sumama nung una pero sinabi kong sa Italy ako pupunta kaya sumama na din siya." She giggled.

"Eh wala naman akong magagawa dito. Siya ang boss." Sabi ni Jai sa camera.

She filmed the night Italian lights as they passed through. Hindi nagtagal ay nakaabot na sila sa vacation house na itinutukoy nila. Nasa medyo mataas na lugar ito at may magandang view. Paglabas ng kotse ay nilamig muli si Mona.

"Let's get you inside. It's warm and cozy." Sabi ni Jai at hinawakan ang mga balikat ni Mona paloob.

"Buonasera signora e signore" pagbati ng mga house staff.

Beauty In His Eyes (Beauty Series #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now