11

52 3 0
                                    

"I'm sorry I had to ask you to do this but ikaw lang yung available. Joanna is busy." Napapatawa si Mona.

"Mona, dahan dahan lang. Masakit." Napaungol si Jai.

"I'm almost there Jai, just keep doing that. I'm near. Hindi ka naman dapat masaktan dito eh." Sabi ni Mona.

Nakatingin sa taas kisame si Jai habang hinahayaan niyang gawin ni Mona ang ginagawa niya sa kaniya.

"Almost. We are almost there. Ayan done!" Ngumiti si Mona.

Tumingin si Jai sa salamin at nakita niya ang magandang paglalagay ni Mona ng eyeliner sa mata ni Jai. Ngayon, gumagawa sila ng vlog tungkol sa makeups na pinadala ng mommy niya na si Olivia sa kaniya and then decided to do a funny twist.

"So what do you think guys?" Sabi ni Mona sa camera. "How does he look?"

"Maganda ako. Ituloy mo na ulit." Sagot ni Jai.

Napangiti si Mona. Tinuloy niya ang paglalagay ng makeup. Hanggang sa lipstick. Tumingin ulit si Jai sa salamin at napatawa sa sariling mukha.

"For all the viewers out there, pahirapan ko pong napapilit si Jai." Tumawa siya. "And the next challenge is si Jai naman ang mag mamakeup sa akin."

"Hindi ako marunong mag makeup." Sagot ni Jai.

"Duh, kahit hindi perfect ang paglalagay mo maganda pa rin naman ako diba?"

Napangisi si Jai. He was amused on Mona's confidence.

"Oo naman. Duh. Ghorl umupo ka na ay mamakeupan kita." Ginaya ni Jai ang maarteng boses ni Mona kaya lalo itong napatawa.

Sa paglalagay palang ng unang base ay hindi na alam ni Jai kung anong uunahin kaya hanggang sa makarating siya sa lipstick ay nagtagal ito.

"Hindi maganda ang blending mo Jai for real. But that's okay. You did your best and my face is still beautiful. Effortlessly enhanced by TheTrucco Cosmetics. So yun na nga guys thank you for watching, sana na-enjoy niyo po itong kalokohan namin. And look at us." Inilapit niya ang mukha niya kay Jai.

Cheek to cheek, ramdam ni Jai ang init ng kaniyang mukha. Buti nalang medyo makapal at may pagkaputi ang makeup kaya di masyado nakita ito. Besides, may blush on naman siya sa mukha niya.

"We look beautiful." She smiled. "Thank you." She suddenly kissed Jai's cheek.

-----

Nakangiting nakatayo si Mona at nakatingin sa bintana ng kaniyang kwarto. Saktong kakalabas lang ni Jai mula sa banyo pagkatapos mag-hilamos ng mukha.

"Mona." Nagsalita siya habang pinupunasan ang mukha.

"Yes Jai?"

"I was wondering..." Yumakap siya mula sa likod ni Mona. Napangisi siya nang maramdaman ang reaction ni Mona. She was clearly surprised.

"Why did you..." Isinandal niya ang ulo niya kay Mona. Amoy niya ang mabangong amoy ni Mona. Smelled like roses. Lumapat ang kaniyang ilong sa balikat ni Mona papunta sa kaniyang leeg.

Mona was flinching and Jai was smirking.

"....made me do vlogging with you?" He asked.

"Ahm...h-hindi mo ba nagustuhan? I thought na fine lang sayo? I mean I t-talked to you..." She was flinching and started resisting. "...a-about that."

He was now kissing her neck and it turns out it was Mona's weak spot.

"J-Jai." Kumawala siya sa pagyakap at humarap. "Anong ginagawa mo? That actually felt good."

Beauty In His Eyes (Beauty Series #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now