WAKAS

26 1 5
                                    

BEHIND EVERY LIE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BEHIND EVERY LIE

Narinig ko ang malakas na paghikbi ni Amora sa kabilang linya ngunit naestatuwa lang ako sa puwesto.

She... killed Anthony?

"Aurelia, what's wrong?"

Agaran akong napalingon sa aking tabi nang marinig ang nag-aalalang tinig ni Aidan.

"I..." nangapa ako ng sagot.

Nakatingin na pala siya sa akin at sa hawak kong cellphone.

Slowly, my hands fell on my lap. Kahit hindi naka-speakers ang cellphone ko ay rinig ko pa rin si Amora sa kabilang linya. She's still sobbing... and it really seems like she's hurting.

Dahil sa ingay ng aking kapatid ay napatingin na si Aidan sa hawak kong phone.

"What's wrong?" Kumunot ang kanyang noo.

Umiling ako at sinapo na ang aking noo. I avoided my gaze and looked at the quiet streets of Paris. But as I stared down at the clean pathways, my eyes started to blur.

"Anthony..." I whispered while I allowed my eyes to shed tears.

Nilingon ko si Aidan gamit ang mga nagluluha kong mga mata. "Anthony..."

He was puzzled at first with his confused stare, but his eyes suddenly widened and he quickly picked up my phone.

"Anthony," kaagad niyang bungad kahit si Amora naman ang nasa kabilang linya.

Yumuko ako at hinayaan lang ang mabigat na damdamin.

He's dead. I'm sure he's dead.

I know it when Amora is lying. And I know that this time around, she isn't.

I looked at Aidan and saw him in full shock. Ang mga mata niya ang nanlalaki at ang mga labi niya ay namumutla. His eyes sparkled a bit, too, because of tears.

Dahan-dahan din ay ibinaba niya ang hawak na telepono. Yumuko siya at ikinuyom ang mga kamao. Sa pagbukas ng kanyang palad ay ang pagpikit din ng mga mata niya.

"Aidan..." I called unto him. "Aidan," tawag ko ulit sa kanya nang bigla siyang nanginig.

But as he raised his head, I immediately saw his bloodshot eyes.

"Aidan..." Hinawakan ko ang kamay niya at hinimasmas ito.

Nag-iwas lang siya ng tingin at sinimulan na ang pagmamaneho.

"Ihahatid na kita..." he said in a small voice.

Tinitigan ko lang siya naestatuwa sa puwesto. He began driving the car at an undeniably slow speed while I tried to call Amora.

"Pick up..." I muttered. But even after a few rings, she wouldn't answer anymore.

Kahit nakaparada na kami sa harapan ng aking apartment ay hindi pa rin siya sumasagot.

Behind Every Lie [Completed]Where stories live. Discover now