LIE 17

21 1 4
                                    

AURELIA HEREDIA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AURELIA HEREDIA

Hindi ko na kinaya. Sinunog ko ang lahat na kahit ano mang kagamitan na kaugnay ni Anthony. Letters, old clothes, and even my favorite necklace.

The moment I knew Anthony was alive, I know he's going to come for me. At unti-unti na niya itong ginagawa ngayon. Taking the cellphone I used to call the man who would kill him is already a message... that he knows.

And he will let me pay for it.

Ang pagsunog sa mga kagamitan ni Anthony ay ang mensahe ko rin para sa kanya... that this time around, I will be the devil he always wanted me to be.

"Hoy, anong ginagawa m—" napahinto si Chad nang makita ang ginagawa ko.

"Ano?"

Hinawakan niya ang magkabilang banda ng ulo.

"Anong 'ano'?! Sa tapat ng bahay ka pa talaga gumawa ng apoy? Gusto mo bang masunog itong buong bahay natin? Tanga!"

I sighed and looked at the pile of garbage burning in front of me. "Hindi ko na kaya, Chad."

Nanlaki ang mga mata ni Chad. Kaagad siyang lumapit sa akin at pinaharap ako sa kanya.

"Huwag kang magpakamatay, Aurelia..." seryoso niyang babala sa akin.

"Ano ba? Ikaw ang tanga." Inalis ko ang mga kamay niya sa akin.

Masama akong tinitigan ni Chad. "Ano pala ang drama mo riyan?"

"Anong magpapakamatay? Sabi ko, hindi ko na kaya. Bingi."

"Bobo! Marami ang nagpapakamatay dahil 'di na nila kaya! E mukhang suicidal ka rin naman!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Mas problemado ka pa kumpara sa akin."

He crossed his arms together. "O sige, ano nga ang 'di mo kaya?"

Ilang beses niyang tinapik ang kaliwang paa sa sahig. Maraming segundo na ang lumipas pero hindi ko pa rin siya masagot. Ang tangi kong magawa ay titigan ang mabaho niyang paa.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko..." Naglakad siya papalapit sa akin. "May tinatago ka!" Dinuro niya ako sa mukha.

Umilag ako at lumayo sa kanya. Sinindihan ko pa ang nakalaang tambak para mas lumaki ang apoy nito.

"Lahat naman tayo may tinatago, Chad."

"E ang dami mo kayang sikreto! Hindi mo rin sinasabi sa akin kung saan si Lucho. Gusto mo ba habulin ko siya?"

Nasira ang mukha ko. "Try mo. Try mo lang."

Chad made a face and walked back inside the house. Napasinghap lang ako dahil sa wakas ay nakaramdam na ng kapayapaan.

Behind Every Lie [Completed]Where stories live. Discover now