SPECIAL

43 2 1
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Tita, I want to buy this book..."

Mabilis na kinuha ng babae sa kamay ng bata ang hawak nitong libro. Tinitigan niya ang presyo na nakadikit sa likuran nito at agarang ibinalik ang basahin sa estante.

"That's too expensive, Azariah... Mommy didn't give you money."

Tahimik na tinitigan ng bata ang kaharap niyang babae.

"You don't have any money?" Inosente nitong tanong.

The girl shook her head and held the book again. Sinulyapan niya ulit ang bata at ginulo ang buhok nito.

"I can call Tito and we can ask money from him... okay? Cause he'll be coming here."

Hindi na tumango ang bata at sa halip ay binalewala ang kanyang kasama na Tita na ngayon ay abala na sa kanyang katawag.

"Love..." bungad niya.

Kinuha ulit ng babae ang libro na gusto ng kanyang pamangkin at inilagay ito sa kanilang basket. Naglakad-lakad siya sa mga malalapit na bookshelves at saka tiningnan ang ibang libro na on sale.

"Azariah needs money. Hindi binigyan ng kapatid mo..."

Kunot-noong niyang tinitigan ang bagong libro na hawak ni Azariah ngayon.

"I left my wallet at the car. Akala ko ice cream lang ibibili namin... mahilig pala 'to sa mga libro. Hindi kagaya ng Mommy niya."

Nang makita niya ang palayaw ng manunulat ay mabilis niyang kinuha ang libro at saka tinitigan ito. Kahit maingay pa ang kanyang kausap sa kabilang linya ay hinayaan niya lang ito.

By the 8th Deadly Sinner...

Binasa niya ito.

["Love?"]

Bigla na lang ay mahigpit niyang hinawakan ang kanyang cellphone.

"Tita?"

She felt her breath suddenly got ragged. Hinawakan niya ang kanyang tiyan at tuluyang nabitawan ang cellphone sa sahig.

Sinapo niya ang palad sa noo. Nadapuhan niya ulit ng tingin ang mga kaharap na libro.

A sequel of the best selling novel Behind Every Lie is coming soon...

"Tita Aurelia, what's happening?"

"W-What?" Agarang bumalik ang kanyang huwisyo nang marinig ang boses ng bata.

"Are you okay? Should I call Mommy?"

Mabilis siyang umiling at sinulyapan ulit ang mga libro sa harapan niya. Nang mapansin na nahulog ang kanyang naka-on na cellphone ay kinuha niya ito at ibinaba na ang kanilang tawag sa kanyang asawa na hindi nagpapaalam.

She held the child's wrist tightly and let him face her.

"Azariah, I want you to get the other book you also wanted earlier..." Aurelia let the child face the other way around. Tinuro niya ang isang aisle sa malayo.

"You want that book, right?" Enggangyo niyang sabi.

Tumango lang ang bata.

"Go. Get it!"

Nang nakaalis na si Azariah ay mabilis niyang nilingon ang malapit na libro at hinawakan ito. Halos nanginig ang kanyang mga daliri habang binabasa ang nakaukit na mensahe sa harapan nito.

The 8th Deadly Sinner is back after four silent years! Catch his new book, a sequel of Behind Every Lie, to be released this year.

"Oh, Anthony..." the girl whispered.

How many fucking lives do you have?

Behind Every Lie [Completed]Where stories live. Discover now