LIE 06

44 3 14
                                    

AURELIA HEREDIA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AURELIA HEREDIA

"Do you really want to do this?"

Nagbuntong-hininga ako at marahang itinulak si Aidan papasok sa bago niyang sasakyan.

"Ilang beses mo na iyang tinanong at parehas pa rin ang sagot ko sa bawat pagkakataon," nakangisi kong sabi.

He sighed before looking me in the eye. Nang makita niyang pursigido talaga akong dumalo sa Frat Hazing ay pumasok na lamang siya sa sasakyan.

Pagkatapos ng huling klase namin ay nagplano kami na dumiretso na sa warehouse. Alam ni Aidan lahat ng impormasyon tungkol sa Frat Hazing kasi noon pa siya gustong sumali. Ngayon lang talaga siya nabigyan ng oportunidad.

"Where did you know about this again?"

I cleared my throat. "Kay Chad... kasi gusto niya rin sumali sa mga Frat noon pero sa huli ay naduduwag siya."

Pa-simpleng tumango si Aidan sa pagsisinungaling ko.

"Then you already know what to expect, right?" Nagpalit-palit ang tingin niya sa pagitan ng daan at sa akin.

"Yes..."

Frat initiations include background interviews and beating.

Sa ideya pa lamang ng pamamalo ay kontra na ako. Pero pinilit ko ang sarili dahil sa ideyang makausap ang tauhan nila Mommy.

Ngunit, nang sinulyapan ko si Aidan ay doon lamang napagtanto na iba talaga ang rason ko kung bakit sumang-ayon sa kagaguhang ito.

***

"Ito na ba 'yon?" Inilibot ko ang paningin sa buong kapaligiran.

May malaking bodega ilang metro lang sa tinatayuan namin. There are big boxes, too, which made it seem like this is somewhat a shipping area.

"There's a port in here..." Aidan mumbled while looking at the right.

"Doon siguro nila itatapon ang bangkay natin..."

"Aurea..." kumulog ang boses ni Aidan.

I raised both of my hands up and stopped myself from chuckling. "Nakalimutan ko na 'di pala si Chad ang kasama ko..."

"Tss..."

He walked past me so I had to catch up.

Ilang segundo lang ang lumipas at nakapasok na kami sa loob ng bodega. Hindi ko inakala na marami-rami rin pala ang gustong sumali.

I stayed beside Aidan while looking at all the other men waiting for the Frat Initiators. Tahimik ko ring hinanap ang tauhan ng aking pamilya.

"Pwede ba ako rito?" bulong ko kay Aidan nang mapansin na lalake silang lahat.

Behind Every Lie [Completed]Where stories live. Discover now