LIE 08

29 2 1
                                    

AURELIA HEREDIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AURELIA HEREDIA

Parang hindi lang ako nawala ng mahigit dalawang taon.

"You don't have to hold me," angil ko sa mga bagong tauhan ng aking Lolo.

Hindi nila ako sinunod at sa halip ay mas hinigpitan pa ang paghawak sa aking mga braso. Ako'y nagbuntong-hininga na lang at hinayaan sila.

Inaliw ko ang tingin sa malaki naming hacienda dito sa probinsya. This has been my home ever since and I treated this place as my world. Noong pagbata ko'y inakala pa nga na ito lang talaga ang buong mundo, not until they trained me to be the family's assassin.

I got to visit other places, even if it was just for a while because of my missions.

We own so much land. Maraming hektarya ang inalay para sa mga tanim namin. Ang iba naman ay nilaan para sa mga alaga naming kabayo, tupa, kambing, at baka. But our large antique mansion only covered one-fourth of our land. Sa laki rin ng lupa namin ay marami pa ang hindi nalinang ng aming pamilya.

"Dalian mo..." Tinulak ako ng isang malaking lalake.

I cursed underneath my breath. These men must not know me. Baka akala lang nila na isa ako sa mga utangan ng pamilyang Heredia.

"Saan ninyo ako dadalhin?" I asked when I noticed that we are not planning to enter the mansion. Ang daang tinatahak namin ay papunta sa malaking lupain sa likuran ng bahay.

"Huwag kang maingay."

I sighed again and started to remember Chaddler.

"Ako lang ba ang dinala ninyo rito?" Naglakas-loob akong tanungin sila kahit may pakiramdam na hindi nila ako sasagutin. I sensed its urgency when I realized that I'm alone.

Nagtaka ako kung dinakip din ba si Chad at dinala rito. But the thought also crossed my mind that Carlos Esteban only knows me. Hindi niya siguro kilala si Chad kaya hindi rin niya nasumbong sa pamilya ko.

Sa huli, ako lang ang dinala rito.

"Ouch," I acted like I was hurt when they pushed me so that I could kneel on the ground.

I grunted.

Masyado silang agresibo sa lahat nilang gawa! The last time I was here, they were not this eager to hurt.

"You're still bad at acting, Aurelia."

"Lolo..." Biglang nanlaki ang mga mata ko nang masulyapan ang anino ng isang matandang ginoo, ilang metro lang sa akin.

Kaagad kong natukoy ang identidad niya, hindi lang dahil sa mababa niyang boses pero sa sumbrero niyang itim. On his right hand also, was his crane.

"All those two years you spent on what? Nothing?" Sa wakas ay lumabas na siya sa pinagtataguang kadiliman.

Napalunok ako at pinilit ang sarili na sumagot kahit parang walang-kwenta ito. "I... went to school with C-Chad."

Behind Every Lie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon