LIE 11

20 2 6
                                    

AURELIA HEREDIA

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

AURELIA HEREDIA

"Aurea, right?"

Napahinto ako sa paglalakad sa gitna ng pasilyo. Panibagong araw na naman ngayon. Pero kailanman ay hindi ko inakalang ang bubungad sa akin ay ang pagmumukha ni Zyf, ang boyfriend ni Eula.

"Yes..." Ngumiti ako sa kanya. "Zyf, right?"

Tumango siya at napakamot sa ulo. We shook hands and stared at each other in silence for a while.

"May... kailangan ka ba?"

"I just want to say thank you..." Napahinto siya kaya napaisip tuloy ako.

"Bakit?"

"Thank you for being a friend to Eula. Narinig ko ang mga ginawa mo para sa kanya. If I were in your shoes, I would've done it, too... so, thank you."

"No problem, Zyf. Salamat din sa pag-aalaga at pag-respeto sa kanya."

Zyf and I chatted like we were long-time friends. Dahil magkatulad ang break time namin ay napag-desisyunan na lamang na kumain nang sabay sa Cafeteria. Lucho and Chad were not free, too.

"Kailan ba matatapos si Eula sa guidance niya?" tanong ko pagkatapos mailapag ang tray sa lamesa.

Napatingin si Zyf sa kanyang relo at napailing.

"Mga isang oras pa bago siya pakawalan ni Ms. Gorda." Mahina siyang napatawa. "Mahilig kasi iyon mag story telling sa buhay niya."

I nodded and started eating my food. Nag-usap pa kami tungkol sa isyu ni Eula kaya nalaman ko na hindi na pala masyadong pumapasok si Tristan. After his break-up with Eula, he did drugs, smoked, and failed his classes. Kahit sila ni Tina ngayon ay halata pa rin na si Eula ang gusto niya.

"Did you and Tristan ever talk?"

Tumango si Zyf at napatingin sa pagkain niya. "Isang beses lang at hindi pa iyon nauwi sa magandang usapan."

"Oh..."

He sighed and looked at me. "Talk never ends well when you're enemy is powerful and rich, Aurea. Isa lang akong taong dukha. Sa totoo lang ay nakapasok lang din ako sa school na ito dahil sa scholarship."

Ilang beses akong tumango sa mga sinabi ni Zyf. I resumed my eating and thought of what I should say. Pero bago ko pa masabi ang mga nasa isipan ay may naglapag na ng papel at lapis sa harapan namin ni Zyf.

I slowly raised my gaze and found out that it's Aidan... with his drawing materials again.

Mahina akong napaubo at napatingin sa kanya. He looked at me with his serious eyes, too, then Zyf right after. Sa gilid ay napansin ko na nagtataka lang si Zyf sa buong sitwasyon kaya nagsalita na ako.

Behind Every Lie [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant