LIE 04

49 4 18
                                    

AURELIA HEREDIA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AURELIA HEREDIA

"Fuck! Drive faster, Aidan!"

"Shut the fuck up!" Mas binilisan pa ni Aidan ang pagmamaneho ng sasakyan.

Mahigpit akong napakapit sa gilid ng sasakyan, lalong-lalo nang napansin na paliko-liko kami para hindi matamaan ng bala.

"Mamamatay tayo!" sumigaw si Chad sa tabi ko. Umalingawngaw ang kanyang boses sa buong sasakyan kaya natahimik kami.

"Chad, kumalma ka." Tinitigan ko siya sa mga mata para ipahiwatag na huwag siyang maging tanga.

Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata at pinisil ang magkayakap naming kamay. Ang katabi niyang si Adonis ay tahimik na napatingin doon at napangisi.

"Lovers?"

"Ano?" Sa kabila ng pangyayari ay nagbigay reaksyon pa ako. "Hin—"

Umiling si Adonis. "We have lovers here at the back, Aidan—" agresibong niliko ni Aidan ang sasakyan sa isang kanto. "You should be extra careful now that we're not all single..."

"Hindi kam—"

"Mother-fucking ass..." walang kwentang putol ni Adjer sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Nagkatinginan ang magkapatid na Adjer at Adonis gamit ang rearview mirror at sabay na napangiti.

Tinitigan ko si Aidan at nakitang nakabusangot na rin ang pagmumukha niya. Magsasalita ulit sana ako nang marinig ang isang bala na tumama sa likuran ng sasakyan!

"Aidan! Hindi ka ba marunong magmaneho?" Reklamo ko.

"What?" Kumunot ang noo ni Aidan at saka tinitigan ako sa salamin.

"Bingi ka ba? Sabi ko, hindi ka marunong magmaneho!"

Natamaan ulit kami ng bala kaya iritado akong lumingon sa likuran. Mabilis ang takbo ng naka-motor na lalake at hindi pa nakikita ang kanyang pagmumukha.

Kanina pa sa eskwelahan ay nakagawa na kami ng komosyon dahil sa pang-aatake niya. Mabuti at walang nasawi pero ang problema ay hindi ko alam kung sino ang hinahabol niya.

Kami ba o sila?

Hindi ko kasi masyado nakikita ang humahabol sa amin.

"Umalis ka riyan, lampa!" Agresibo kong tinamaan sa batok si Aidan.

"Your mouth, woman..." Galit ang kanyang boses pero hindi ko pa rin magawang matakot.

Behind Every Lie [Completed]Where stories live. Discover now