I changed into a berry blue floral maternity dress. It feels nice to wear. Regalo ito ni Ria eh. Hahahaha. Dinala niya yesterday kasi kakailanganin ko na daw magsuot ng ganito because she was shopping and naisipan akong bilhan. Buti nga kasya eh. And she's right, ang laki na ng tummy ko. I'm getting more excited to see baby Aleara.

Lumabas na ako ng bathroom and saw Alex waiting for me outside. Talagang hinintay ako ah.

Napalingon siya sa akin and I don't know if he's mesmerized sa itsura ko or what kasi natulala siya. Hindi pa nga ako nag-aayos ng buhok eh. Late na kasi kaming bumangon ni Alex.

"Pasukan ng langaw 'yang bibig mo." I told him kaya natawa siya.

"Sorry, it's just...you look so beautiful." Okay, no way to hide the blushing. Kinilig ako in fairness.

"Ewan ko sayo. Binobola mo na naman ako." I said then umupo na ako sa harap ng mirror and started fixing my hair. Magpponytail nalang ako.

"Hindi kita binobola ah. Kailan kita binola?"

"Kanina lang. Hahaha." Sagot ko.

"Hindi 'yun pambobola. That's a fact. Maganda talaga ang misis ko. Especially in that dress, you look so perfect."

"Okay fine. Tigilan mo na ako. Lalo tayong malelate." Seryoso kong sabi pero gusto kong ngumiti dahil sa compliment niya kanina.

I quickly put on lipstick and blush. Then I tied my hair and I'm all done. Ganu'n lang. Hahaha. Sinuot ko na 'yung flats ko and tumayo to check myself sa full length mirror.

"Hindi mo na kailangang magcheck ng sarili sa salamin. You always look good." He said habang hinihila ako palabas ng kwarto.

Pagbaba ko, nandito ang mama sa sala katabi si Calli.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko and I can see her teary eyes.

"I'm sorry. Sa lahat ng ginawa ko. Alam kong kulang ang salitang 'yon para sa lahat ng kalungkutan na naranasan mo noong mawala sayo ang pamilya mo. At lahat ng iyon ay dahil sa akin." Tumingala ako to stop my tears.

"Sana mapatawad mo ako. And even you Alex. Patawarin mo ako dahil pilit kong nilalayo sayo si Amara. And I didn't realize na ikaw pala ang kailangan niya at magpapasaya sa kaniya." I looked at Alex who is smiling at mama. Hinawakan ni Alex ang kamay ni mama at tumingin sa kaniya.

"Ma, matagal ko na po kayong napatawad. Alam ko po na gusto niyo lang protektahan si Amara and I understand that."

"Salamat. And welcome to the family." Mama said at niyakap niya si Alex. She never formally, sincerely welcomed Alex kasi.

My heart is melting. Seeing the both of them na magkaayos na. This is all I ever wanted noon palang.

"Pati sayo Isabella. Alam kong sobrang sungit ko the first time that we met. And sorry dahil wala akong nagawa para maibalik ka noon sa mga magulang mo." Ngumiti si Calli and she hugged her mamita.

"Okay na po 'yun. Wala na po ang lahat ng iyon." She genuinely said.

"Anak, I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko sa pamilya mo. I'm sorry." Yumuko siya sa harap ko habang nakahawak sa kamay ko.

"Ma, napatawad na kita. It was all in the past. I've forgiven you." I said then I hugged her. It feels so good to finally say that to her.

"Ano ba 'yan. Hahaha. Nagkaiyakan na." I said while wiping my tears.

Yumakap naman si Calli sa side ng mamita niya. "Yehey. Complete na po tayo ngayong birthday ko." She said which made me smile.

"I talked to this daughter of yours. And she reminded me so much of you." Sabi ng mama sa akin.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now