Napansin ko na may bitbit na pagkain sina Eli at Selah at kaagad nila itong inilapag sa lamesa.

"Congrats sa bagong kasal!" Masayang sabi ni Selah na bineso ako. Ganon rin ang ginawa ni Tita Mirae habang niyakap naman ako nina Tito Josiah at Eli.

They know what I am now married with Messiah?

"S-Salamat." Nahihiyang sabi ko hanggang sa niyaya na sila ni Messiah na maupo lahat sa couch.

"Nabalitaan pala namin na ipinipilit ka nang ipakasal sa anak ni Timoteo Almarez, Rebecca. Bilang ina ay nalulungkot ako dahil naiipit ka sa sitwasyon na gusto ng mga magulang mo. Alam naming may relasyon na kayo ni Messiah at gusto namin na siya ang makatuluyan mo." Nakangiting sabi ni Tita Mirae.

Messiah's family are very supportive to him. Hindi naman lingid sa kaalaman nila na matagal ko na rin gusto si Messiah dahil obvious na iyon simula nung una palang. I can't hide my tears dahil sa tuwang nararamdaman ko.

"Salamat po, Tita Mirae. Mahal na mahal ko po talaga si Messiah at siya lang po ang gusto kong pakasalan." Sabi ko naman at saglit tinignan si Messiah na nakatitig sa akin habang nakangiti.

"Alam namin 'yon, hija at mahal na mahal ka rin ng anak ko. Ngayong kasal na kayong dalawa ay hangad ko ang kasiyahan niyo. Huwag niyo nalang pansinin si Isaac na hindi pa rin matanggap ang relasyon niyo." Ngumiti ng malungkot si Tita Mirae na kaagad namang inakbayan ni Tito Josiah.

"Paepal rin naman kasi 'yang si Kuya Isaac! Ano bang magagawa niya kung hindi siya gusto ni Ate Rebecca? Buti pa si Kuya Eli ay tanggap na ang relasyon nilang dalawa." Humalukipkip naman si Selah at napairap ito sa kawalan.

"Nagmana sa Tatay, e." Sabi naman ni Eli na inaayos ang kwelyo ng suot niyang white polo longsleeves.

"Don't mind Isaac. They can't do anything about us." Messiah said to me. Tumango nalang ako at bumuntong-hininga.

Pagkatapos naming mag-usap ay inumpisahan na naming i-celebrate ang rush wedding namin ni Messiah. Masaya na rin ako at nandito ang pamilya niya para kahit papaano ay gumaan ang loob ko at may nakakaalam pa rin na nagpakasal na kaming dalawa.

Habang kumakain kami ay bigla nalang akong nilapitan ni Eli at sinabing mag-uusap lang kami. Tinignan ko pa si Messiah para hingin ang permiso niya at tumango lang ito bilang sagot. I can see that they are really in good terms now with Eli at may tiwala na rin siya dito.

Nagpunta kaming dalawa ni Eli sa kusina para doon mag-usap. He still looks go good. Sa itsura ni Eli ay alam kong maraming babae ang mababaliw sa kanya. He's handsome and successful too at mas deserve niya ang isang babaeng kaya siyang mahalin at pagtuunan ng pansin and that's not me.

"Congrats to you and to Kuya Messiah. Mag-asawa na kayong dalawa." Sabi ni Eli habang nakangiti pero hindi umabot iyon sa mga mata niya.

"Thank you, Eli." Sabi ko.

Itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa kitchen sink at luminga-linga ito sa paligid.

"You deserve the happiness, Rebecca. I'm sorry kung naging hadlang pa ako sa inyo noon ni Kuya Messiah and I planned to rape you para lang makuha ka. Pinagsisisihan ko na ang kagaguhan na ginawa ko noon." Malungkot niyang sabi at tumingin ito ng diretso sa mga mata ko.

"I understand, Eli. I know you only like me kaya nagawa niyo 'yon ni Isaac. Let's forget that and I hope you will find someone who can love you the way you loved me, too." Sabi ko habang nakangiti.

He sighed at nabigla nalang ako nang makita ang nangingilid niyang mga luha. Tumingala siya para pigilan ito pero hindi pa rin iyon nakatakas sa mga mata ko. Muli siyang humarap sa akin at nagbigay ito ng isang malungkot na ngiti.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon