Chapter 29

8.9K 313 10
                                    

REBECCA'S POV

Nagising nalang ako nang nakahiga sa isang kama at kahit medyo nahihilo pa ako ay pinilit kong maupo at inikot ang paningin ko sa kabuuan ng kwartong tinutuluyan ko.

Hindi ito pamilyar sa akin dahil alam kong hindi ko ito kwarto. Tumingin ako sa bintana at tirik ang araw.

Ano bang nangyari? Anong ginagawa ko dito? Ang huli ko lang natatandaan ay kasama ko si Kuya Rodney.

Bigla ay bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan ako at bumungad sa akin si Kuya Rodney na nakangiti habang may hawak itong tray na naglalaman ng pagkain. Sandali niyang inilapag ang tray sa isang bedside table at tumabi ito sa akin.

"Nasaan tayo, Kuya?" Tanong ko habang sapo-sapo ang ulo kong medyo masakit pa.

"We're on vacation, little sis. Dinala kita dito para naman makapagbonding tayong magkapatid." Sabi naman niya habang nakangiti.

Bakasyon? Sa pagkakatanda ko ay wala namang nabanggit si Kuya Rodney sa akin na magbabakasyon kami ngayon.

"Paano ako napunta dito? Alam ba 'to nina Mom at Dad?" Tanong ko na naguguluhan.

"They knew it. I already told them about this vacation. Alam ko nang masyado kang stress kaya mas mabuti pang magkasama muna tayong dalawa." Nakatitig niyang sabi sa akin.

I don't know but there's something going on between Kuya Rodney. Sa totoo lang, habang lumalaki na kami minsan ay nakakaramdam na rin ako ng pagkailang sa kanya. Napapansin ko ang kakaiba niyang mga ikinikilos katulad nalang ng pagtingin niya sa buong katawan ko at sa paninitig niya na nakakailang na rin.

Ipinagsawalang-bahala ko nalang iyon dahil kapatid ko naman siya pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mailang sa kanya.

"P-pero, hindi alam ni Messiah na nandito ako saka paano ang pag-aaral ko? Ni hindi pa nga ako nakapag-paalam sa mga Professor ko na magbabakasyon tayo, Kuya." Sabi ko naman na nag-aalala.

Baka hanapin rin ako ni Messiah at isa pa may pasok ako sa school. Graduating na rin ako ng college at hindi pwedeng umabsent ako.

"Ayaw mo ba akong makasama?" Tanong ni Kuya Rodney at lumungkot bigla ang mukha niya.

"Hindi naman sa ganon, Kuya. I like that we're here at kasama kita pero kasi-"

"Can you just think of me first, Rebecca? Bakit ba ibang lalake nalang palagi ang iniintindi mo imbes na ako na kapatid mo? I want to enjoy our rest of vacation here tapos babanggitin mo bigla si Messiah." Nakasimangot na niyang sabi at napa crossarms pa ito.

I sighed. Wala naman sigurong masama kung pagbigyan ko si Kuya Rodney. Nandito na rin naman kami sa isang bakasyon at kahit nagtataka ako kung paano niya ako nadala dito ay pakikisamahan ko nalang siya sa gusto niya.

He's still my brother and all I want is his happiness.

"Sorry, Kuya. Sige na, i-enjoy nalang natin 'tong bakasyon natin." Sabi ko.

Lumawak naman ang ngiti niya at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Thank you, sis. You need to eat first dahil alam kong napagod ka sa biyahe at nakatulog ng matagal."

Iniabot niya sa akin ang tray ng pagkain na may lamang gatas, itlog, bacon, hotdog at fried rice. Dahil gutom na rin naman ako ay kumain nalang rin ako habang si Kuya Rodney naman ay nakangiti sa akin habang pinapanood ako.

Nakakailang na talaga ang ginagawa niya pero hindi ko naman siya masaway dahil baka ma-offend pa siya kapag sinabi ko iyon.

"Tabi tayong matulog palagi, ha? I missed those memories to us noong mga bata pa tayo." Banggit ni Kuya Rodney na ikinagulat ko.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon