Chapter 20

11.7K 437 64
                                    

REBECCA'S POV

Kalat na kalat na sa buong school ang pagkawala nila Demi, Kris at Colt. Tatlong araw na silang pinaghahanap ng mga pulis at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw sila nakikita.

May mga nakapagsabi na sa bar daw nila huling nakita ang mga kabanda noon ni Aiden pero nang matapos iyon ay hindi na sila muling nakita pa.

Nakalaya na sila sa kulungan matapos makiusap sa akin ang mga magulang nila. Ang ipinapangako nalang ng mga ito ay ang tuluyang ilalayo na nila ako sa mga anak nila para hindi na maulit pa ang nangyari.

Wala namang nangyaring masama sa akin at nakita ko rin naman ang pagsisisi nila Demi, Kris at Colt kaya sinabi ko na sa pamilya ko na iurong na ang kaso laban sa kanila. My family disagreed with my plan at first but I decided to forgive them and start my new life. Sa huli ay wala na rin silang nagawa at nirespeto nalang ang kagustuhan ko.

Demi, Kris and Colt are still young, they only did that because of their desire to me and I hope that they will going to change someday.

And now that they are missing, I knew to myself na posibleng isa rin ako sa dahilan kung bakit nawawala sila. Kinukutuban ako at natatakot ako sa maaaring dahilan kung bakit nawawala sila.

Sa amin naman ni Aiden, alam kong nagbago na siya. Habang tumatagal ang relasyon namin ay nakikita kong unti-unti na niya akong pinaghihigpitan at pinagbabawalan sa mga gagawin ko. He is very far from the Aiden that I met before.

Napagtanto ko na pareho lang rin pala siya nina Isaac at Eli and he is worst than them. Tama ba talagang si Aiden ang pinili ko at tinalikuran ko si Messiah?

Sa biglang sumagi sa isip ko ay nanikip ang dibdib ko doon.

Niloloko ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ko na mahal si Messiah.

I still love him and nothings change.

Nag-give up na ba talaga siya para sa akin dahil sa pagtalikod ko sa kanya? Malamang, Rebecca! Lumuhod at nagmakaawa pa nga siya sa'yo mahalin mo lang siya, hindi ba? Pero in the end ay tinalikuran mo lang siya. Ano bang gusto mong gawin nung tao? Habulin ka pa e, may jowa ka na?

I shook my head dahil sa nagsalitang konsensya sa isip ko.

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo."

Napalingon ako sa nagsalita at si Aiden ito na may bahid ng iritasyon sa mukha nito na lumapit sa akin at kinuha mula sa kamay ko ng pahablot ang bottled water na para sa kanya.

Nandito kami sa practice ng Basketball Varsity Team niya ngayon. Kakatapos lang ng klase ko at dahil sa gusto niyang sabay na kaming umuwi ay nandito ako at hinihintay silang matapos. Sobrang layo ng pwesto namin mula sa mga Basketball teammates niya na nasa kabilang dulo ng court. Napapasulyap ang ibang mga kateammates niya sa akin at parang gusto pa akong lapitan pero mukhang takot sila kay Aiden at hindi nila iyon magawa.

I still remember how he was jealous and angry 4 days ago when he saw me talking to Harry. He hurted me physically, too by gripping my shoulders and pushed me to the wall at tumama ng sobrang lakas ang likuran ko doon. May takot na akong nararamdaman para sa kanya at hindi ko alam kung makakaya ko pa ba ang mga susunod niyang magagawa kapag naulit pa iyon.

"I-I'm just thinking nothing. Bored lang ako." Sabi ko nalang.

Umupo siya sa tabi ko matapos uminom sa bottled water at kinuha naman nito ang puting towel na nasa bag niya at pinunasan ang pawis niya.

"Really? Or you're thinking that blue eyed guy? Diretsuhin mo nalang ako." Sarkastiko niyang pagkakasabi at naghubad ito ng t-shirt niyang basang-basa na ng pawis at kumuha ng panibagong t-shirt sa loob ng bag niya.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon